Ano po pwede kong isampa kaso sa officemate ko, inabot na po ng 2 taon ung pera kanyang inutang sa aking bayaw, ang nangyari po sa bayaw ko po nanggaling ung pera at ako ang nagbibigay sa kanya ng pera. Ang pera po kanyang inutang ay gnamit ng kanyang anak at asawa sa kani kanilang negosyo, may patubo po ng 10%, nuong una po ay ok nman sila magbayad... hanggang hindi na po sila nakapagbibigay ng tubo ay naki-usap sila ibaba ang interest ginawa nman po namin 5% last March 2012. pero after po nilang makipag usap at nagsabi magbibigay buwan buwan at hindi rin po nila natupad, sinabi po nila nalugi po ung asawa ng officemate ko, nakipag usap po sila nito June 2013 at nangako ng magbibigay upang makabawas ng utang pro humingi po ng 2 weeks dahil may hinihintay daw po silang pera, nung una po ay sabi ng anak ng officemate ko ay may ni loan daw po sya, nakalipas po 2 weeks ay wala pa rin daw po at sabi ng officemate ko hinhintay lang daw po ung client ng anak nya na magbayad. halos araw-araw ko po pinaalala sa office mate ko na inaasahan ung pera pinangako nila, sinasabi lang po nya konting time, malapit na daw po. pro hanggang ngayon po ay wala pang naibibigay at sinabi po ng officemate ko na wala pa talaga silang pera. minsan po ay nagmessage ako sa anak nya sa FB na kinakamusta ko ung usapan namin, pro imbes po magreply block po nya ako sa FB at sa celpon nya. nagsabi po ung kasamahan ko na bahala na daw po ung bayaw ko kung ano gustong gawin sa kanila. umaabot na po sa 1 million ang pera nilang nakuha mula nuong 2010.
Actually po ung ibang pera dun ay aking personal na naipon na inabono ko sa bayaw ko pero di po nila alam. dahil hiyang hiya na rin po ako sa bayaw ko. at hindi rin po alam ng wife ko na nagaabono ako.
parang nabalitaan ko pa po yung pamilya ng kasamhan ko ay may negosyo pa silang papasukan (sapagkat minsan po ay naintxt nya bka daw po may pera ako kailangan daw po puhunan.)
may ilang kasulatan po silang pirmado na may inutang sila sa akin at nakasaad duon na may 10% interest.
kabuhayan po ng bayaw at pati na rin po namin ang nakasalalay dito. buong tiwala po ang aking ibinigay upang makatulong sa pamilya ng aking kasamahan. di ko po inaasahan na gagawin nila ito sa akin, na para bang binabalewala lahat ng usapan at paki usap ko sa kanila.
Ano po ba pwede kong ikaso, pwede po bang estafa? para po makulong ung kasamahan ko.