Hello po. Consult ko lang po problem ko. 2006 nagkahiwalay po kami ni Dennis husband ko. Dahil hindi kami magkasundo at hindi rin nya kami kayang buhayin. Ako ang nagwowork. Mula non hindi kami nagsama. Pagkatapos namin maghiwalay after few months nakilala ko si JENNY RXXX, hangang sa nagsama kami. Nakisama ako s kanya dahil po sa kailangan ko ng katulong sa buhay financially. Against ang magulang ko sa kanya. Dahil sa sobrang bait ni Jenny sumama ko sa kanya. Bago ako sumama sa kanya, sinundo ng ex-husband ko ang kids. Tapos ng hindi na ako macontact sinabi ng mommy ko kay Dennis na na confine ako sa mental at narehab kaya matagal ako mawawala. Hangang sa mabawi ako ng magulang ko kay Jenny. Pero maliwanag na ayaw ko na talaga makisama kay Dennis. Naging tapat ako sa kanya na ayaw ko na talaga. Nakuha ko ang dalawang bata sa kanya si Darlene youngest at si Kiko pangalawa. Naiwan sa kanya si Chyna yung eldest. Nakapagtrabaho ako at dun na nakatira sa magulang ko. Hangang syempre po nagkaron ng relasyon. At simula palang inamin ko kay Dennis namay boyfriend na ako si Herson, nasa Hawaii sya nagpapadala ng pera sakin. Christmas ng 2008 hiniram nya skin si Kiko ang sabi bakasyon lang hangang sa di na isinoli. Dun na nagaral si Kiko ng Grade1. 2006 up to 2009 wala talagang suporta from him at hindi rin ako humihingi. Hangang dumating ang Sept 2009, nakiusap si Dennis sakin na makikituloy sa bahay dahil magaaral sya ng Auto Cad. Pumayag naman ako. Nakita di nya na may boyfriend ako. Nung time na yon ginawa nya naiwan ko bukas e-mail ko nakuha nya e-mail add ng mga kachat ko. ginawa nya e-mail nya lahat. Nung time na yon boyfriend ko si Edwin MXXX isa po syang Philippine Marine. nas Mindanao sya non. Ginawa nya ginamit ni Dennis name ni Edwin para e-mail mga kachat ko siniraan nya ako. Nung makita nya na talagang ayoko na sa kanya. Nung nasa work ako tinakas nya yung anak ko na bunso si Darlene. Gusto daw nya kase mabuo ang pamilya. Pero selfish sya, ilang taon kami nagkahiwalay saka nya naiisip na gusto nya ko balikan. Para mabawi ko anak ko, pinayuhan ako ng mommy ko na sakyan na lang si Dennis. Paalis kase sya papunta Saudi Arabia. Pero nagusap kami na para sa mga bata aalagaan ko lang, dahil wala na puso ko sa kanya. Kinuha ko mga bata sa La Union, pero kinausap ko na yung mga bata na magkaibigan na lang kami ng papa nila. Katulad ng napagkasunduan, nagpadala naman sya ng panggastos ng mga bata. Pero aminado na my bofriend ako. Nagsama na kami niEdwin dahil mahal na mahal namin isat isa. HAngang sa ipinagtapat ko na kay Dennis na talagang ayoko na. Kahit hindi na siya magpadala kami na ni Edwin bubuhay sa mga bata. Nagalit sya sakin.. ihahabla nya daw ako. Mam/Sir, matagal nakaming hiwalay at alam nya na wala na talagang pagmamahal. Sabi pa nya ihahabla nya si Edwin. Ang masama pa nito ayaw din ng Mommy ko kay Edwin. kaya pinagtutulungan nila kami. Pero una pa man wala na kaming chance ni Dennis alam nya yan. Naka saved po yung mga text at e-mail ni Dennis sakin pagpapatunay na ayoko na talaga at wala kaming pinagkasunduan na magbabalikan. Ang age po ng anak namin ay 8,6,5. Gusto ko po sana skin ang kids. Pano ko po ba ipaglalaban ito. At hindi dapat madamay pa si Edwin dahil kusa akong sumama sa kanya at two years na kami at kailan man ay hindi ko nilihim to kay Dennis. Ano po ang pwede ikaso sa amin ni Dennis? At ano po ang pwede kong gawin. Naging totoo lang po ako sa kanya. May karapatan ba makialam ang magulang ko dito? 34 yrs old na po ako. at hindi ko natatakot na sabihin sa na mahal na mahal ko si edwin. Tinangap nya buong pagkatao ko, walang conditions at restrictions.. Mahal ko po talaga sya. Life is too short, i dont even how long i will my life last.. maybe tomorrow, or the following days to come.. Gusto ko lang ipaglaban kids ko at Edwin.. Kay Edwin nagka direction ang buhay ko.. naging masaya ako. Nagbabanta po ang parents ko na they will talk to the superiors of Edwin? Ipapatangal daw nila sa serbisyo, pwede po ba yon.. Sorry po ang haba. Sana matulungan nyo ako. Will anticipate for your response. Maraming Salamat po! God Bless.