Ako po sana ay matulungan nyo po sa aking katanungan, May nabili po kasi kami na lot dati po ang lot po na iyon ay pinababayaan lang po ng may ari po kasi po sila ay nasa malayong lugar, kaya nga naging bakanteng lote po naging daanan po ng mga tao kahit po saan gusto dumaan ang mga tao, katabi lang po ito ng maliit po namin na bahay.
Kaya po ng ibenta po ito sa amin agad po namin itong binili kasi po dati almost kitchen namin ay nakadikit na doon sa kabila lot. After po nabili po namin ito binakuran po namin ang lot karugtong na po na house po namin ang bakod nagbigay po kami ng 2.5 meters po na daan sa gilid na lang po isang way na lang po hindi na po tulad noon na may daan po sa gitna may daan po sa gilid para po maging maayos po ang daan isang way po binigay po namin.
Ang naging problema po yong mga tao po dumadaan doon nagagalit po sa amin bakit daw po namin binakuran ang gusto po nila daan yong sa gilid pa din po ng kitchen namin between po ng nabili nmin na lot at sa house namin at yong iba naman po gusto sa gitna ang daan, hindi po kami pumayag kasi po nagbigay na po kami ng malaki po na daan ayaw po nila doon dumaan kasi daw po iikot na sila gusto nila shortcut na daan kung saan saan nila gusto dumaan.
Hanggang kahapon po nagaamok po yong isa sa pamilya po dumadaan doon kasi po marami silang magkakapatid na lalaki pilit po nila pinapalabas sa bahay namin ang asawa ko buti po nagkataon na wala doon ang asawa ko at yong bakod po namin na bulbwire po tinanggal po nila.
Yong nanay ko lang po at mga anak ko po ang nasa bahay may sakit nga po nanay ko kaya nahimatay daw po ang nanay ko, buti po naagapan ng pinsan ko po na kapitbahay po namin.
Ano po ba ang dapat namin gawin para po matanggap na po ng mga dumadaan po doon na iyon na ang tamang daananan at ano po dapat ikaso sa kanila pinagbabataan pa daw po sila na kapag hindi tinaggal namin ang bakod namin babalikan nila ang asawa ko.
Ano po ba karapatan ng mga dumadaan doon sa lupa namin ang sabi po nila lagi dati daw po na may daanan sa loob kaya hindi daw po namin dapat bakuran,tama po ba iyon? kahit nagbigay namn po kami ng daanan nila Wala po doon right of way private property po iyong lpa po na nabili namin.
Ang gusto po sana namin ideretso na po sa court pwede po ba iyon kahit hindi na po dumaan sa baranggay kasi po nagpunta po sila sa bahay po namin naghahamon po sila sa asawa ko. paki adevise po kami ng dapat naming gawin.
Thank you very much po.
Best Regards,