Ipinagkatiwala po ng kuya ko ang kanyang starex van sa kaibigan nya upang sya ang bahalang magbenta. Dahil sa tiwala ng kuya ko ibinigay nya ang van kasama ng orig na or at cr pati na rin ang deed of sale na dati na nyang pinirmahan dahil mag aabroad po sana ang kuya ko.sa kasamaang palad, hindi po natuloy nag abroad ang kuya ko. Nais na po sanang makuha ng kuya ko ang pera sa kaibigan nya dhil naibenta na nito ung van kaya lng sinabi ng kaibigan nya na nasa kuya russel daw nya ang pera.kinausap ngyon ng kuya ko ang kuya russel nya ngunit sinabi nya na matagal na daw nya naibigay ang pera sa kaibigan ng kuya ko. Hangang ngyon po ay hindi pa rin nakukuha ng kuya ko ang halaga ng perang napagbentahn sa van nya. May habol pa ho ba ang kuya ko sa kaibigan nya? Anong hakbang po ang gagawin ng kuya ko?
Salamat po.