Nakabangga po ako ng isang Van. Nasagot na namin yung repair ng vehicle pero nanghihingi sila ng danyos para sa loss of income. Ginagamit daw kasi nila yung sasakyan sa byahe Pacita-Southmall, at rinerent din daw sila ng printing press ng pinsan nila para mag deliver. Hinihingi nila ay 2000 per day. Pwede po ba sila manghingi ng danyos para sa loss of income? Pwede po ba ako humingi ng proof ng kanilang income? Kasi di naman ako sigurado na nabyahe sila kasi green plate sila. Tapos dun sa rental ng vehicle nila, pwee din kaya ako humingi ng proof?