Atty, help po. Sinampahan po ng kaso yung brother ko ng child abuse. 16 years old po ung complainant and 20 po yung brother ko. Nagkaaway po sila dahil binastos po ng complainant yung gf ng kapatid ko thru text and panghihipo po sa legs. Dumating po sa time na nasuntok po ng brother ko yung complainant at pagkatapos nun pinacheck up nung parents sa hospital, ang findings po: epistaxis, tenderness and swelling po nung sa may mata. After po nun naggile sila ng case and tung case na yun ay inupload nila sa internet na nakatag pa yung mga names namin then dumating pa po sa point na pinagbantaan po ng tatay nung complainant po ung kapatid ko, na paano daw kung yung brother ko yung bugbugin nya and humanda daw yung kapatid ko. nagkaroon po ng Prelim investigation, hindi po nakipagayos yung complainant. Then pinagsusubmit po kami ng counter affidavit before nung 2nd na pagkikita. Anu po yung sumunod dun? And pde po ba kami magfile din ng case against sa knila? Like yung pambabastos, pagupload sa internet nung case na finile nila and yung pambabanta. Thank you so much. I am hoping for your reply po. God bless.