ano po ba ang dapat gawin dito:
pinakiusapan ang pamilya ng kaibigan ko(A) na tirhan ang isang bakanteng bahay ng kanilang kamg-anak (M) sa qc para may tumao at mag-asikaso. sinabi ni A na hindi nila kaya ang rentang 8k buwan buwan, ganun pa man nagpumilit si M at sinabing ayos lang, basta kung kailan meron. sa madaling salita, pumayag na rin si A dahil nangangailangan din sila ng matitirhan noon. sinikap ni A na regular na magbayad subalit dumating sa puntong di nakabayad ng 3 buwan. dahil dito, nagreklamo sa barangay si M at nagdemand ng ejectment. walang nagawa si A kundi umalis na may kasunduan sa barangay ng qc na babayaran ni A ang arrears sa panahong makaluwag ito. nakapagbigay si A ng partial payment subalit hindi ito nabuo dahil talagang wala siyang source of income. halos 3 taon mahigit na ang lumipas noong mangyari iyon. noong isang linggo ay nakita ni M si A sa probinsya nila sa central luzon at muli ay nagdemand si M ng kabayaran. naghain ito ng reklamo sa kanilang barangay sa probinsya tungkol sa hindi nabayarang renta sa bahay sa qc at nagbanta ito na magdedemanda.
tanong:
a. tama ba ang aksyon ni M na sa barangay sa probinsya magreklamo bagamat nasa qc ang bahay na pinaupahan?
b. sa mahigit na 3 taong lumipas, hindi gumawa na anumang aksyon si M maliban sa pamamahiya kay A at nang muli itong makita ay pumunta sa barangay?
c. walang anumang kasunduang papel nang tumira si A sa bahay ni M,
d. si M ang kusang pumunta at nakiusap kay A para tumira sa bahay dahil bakante ang ito at gusto lamang niya na may tumao at mag-asikaso
e. pwede bang mag-counter complain si A laban kay M dahil sa pamamahiya nito sa harap ng mga tao at pagkakalat ng hindi maganda tungkol kay A?
salamat.