dati po akong branch manager ng appliance store, may costumer po kami na umuutang ng mga appliances na maramihan..bago po namin sya bigyan dumaan muna sa company policy for c.i. at na-approve naman with complete requirements na hiningi sa kanya.. 4x na po sya nakakuha at ok naman mga cheke na binayad nya.. eto po ang pag kakamali ko every transaction po namin manual reciept muna ang binibigay ko bago iresibo iniiwasan ko pa kasi yung mga factory defect na item para wala po aberya sa mga customer dahil matagal po ang proseso ng replacement namin..buy and sell din po kasi negosyo ng customer namin.. hangang dumating po yung time na nagkaproblema na yung ibang cheke ng customer nawalan ng pondo nakikiusap naman po yung customer for consideration na pahabain pa yung term nya with interest..
regarding po dun pinakausap ko na sa amo namin yung problem..hangang sa ako na po yung sinisi bakit ko po daw kasi pinautang at ayaw na nila makipag usap sa customer gusto nila bayaran agad..ni re-poses na din nila yung ibang appliances na nadeliver sa customer at ako po ay ti-nerminate din sa aking trabaho..
eto po ang tanung ko pwede din po ba ako makasuhan ng estafa?kasi idinadamay na po ako ng amo ko..pinagdudahan nila yung pag mamanual reciept ko sa customer at sinabing kasabwat ako kaya isasama daw nila ako sa demanda na estafa sa customer namin?sana po mabigyan nyo ng linaw problema ko at panggigipit sakin ng dati kong amo..salamat