Good day po.. Ako po ay hihingi ng payo sa inyo tungkol sa nangyari sa akin nang nakaraang taon sa aking pinasukang trabaho..Ginulat kasi ako ng co worker ko, sa sobrang gulat ko nagpalpitate ako ng husto napatakbo ako at natisod ngunit napasama ang pagkakabagsak ko. May mga pauna napo akong babala sa kanila na ako ang wag na wag nilang gugulatin dahil nga po sa hindi magandang pakiramdam ko sa ganung sitwasyon..Nawiwitness ko po kasi na kinagawian na nila ang panggugulat kada breaktime at hindi alintana sa kanila ang pwedeng idulot na kapahamakan nito, dahil para sa kanila lahat ay biro biroan lang..Dinala ako sa hospital at kinailangang operahan dahil sa pagkakabali ng buto sa kaliwang braso.. Pumayag ako dahil sinabihan ako ng company nurse namin na kasamang naghatid sakin na 80k healthcard coverage only to find out later on na 10k lang pala at inclusive pa ng Philhealth ko.. My family reported it to HR HEAD and nireiterate nila na 80k tlga coverage ko, Nang ikwento namin ang sabi ng healthcard Representative saka lang nila binusisi ung contract and discovered na tama ung Representative.. Napasubo kami sa gastos at ung taong my kasalanan ay hindi man lang tumulong sa gastusin sa hospital kahit magkano..Ang tanging itinulong ng company ay ung Accident Insurance na 30k to be released after 30days of filing. Wala man lang ni isa pumunta sa Hospital from HR or sa taong naka aksidente sakin para alamin ang kalagayan ko, maliban na kami ang magreport sa kanila. Walang financial at moral support silang naibigay sakin kundi pa sila kinausap ng mga kapatid ko.. Kaya inasikaso ng company ang insurance at ung katrabaho ko ay nangako na hihingi ng tulong sa PCSO.Dinemanda sila ng asawa ko ngunit binasura lang ng korte. Hindi ko na mapakinabangan ang aking kaliwang braso at dahilan para magresign din ako dahil sa medical complications. Ung abogado ko sinabihan ako na iaakyat sa DOJ ung kaso ko kaya lang panibagong fees na naman.. Naubos na ang pera namin sa unang kaso at hindi ko na din nagawang magpa theraphy dahil sa labis na gastos..Ngayong January 2013 ko lang din po nalaman na hindi hinulugan ng company ko ang SSS ko from June 2012 time of a accident ko hanggang sa mag resigned po ako ng Aug 2012 at hindi din nila ako pinasweldo ng month of June kahit naka medical leave ako hanggang sa pag balik ko sa work..Gusto ko sana makahingi ng second opinion dahil sa SSS ko po ni reject din nila ang claim ko para sa sickness benefits..wala na po akong trabaho at wala na din po akong alam kung sino ang dapat hingan ng tulong..umaasa po ako sa inyong programa dahil alam ko pong marami na kayong natulungan.. Marami pong salamat..Len
Free Legal Advice Philippines