Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Yung nanay ko ng asawa ng iba.. at ngkaron sila ng 2 anak TULONG PO

4 posters

Go to page : 1, 2  Next

Go down  Message [Page 1 of 2]

sanaemiyuki


Arresto Menor

Magandang araw po. Gusto ko lang po sanang humingi ng advice. Ako po si Rick 22yrs. old mag23 ngayong june. Baby palang po ako ng iniwana ako ng nanay ko sa tatay ko pumunta sya ng ibang bansa para magtrabaho. Ang status po nya ng umalis sya sa bansa naten ay single pero kasal po sila ng tatay ko. Sinuportahan nya ako hanggang grade 3 ko tapos natigil ang suporta nya hanggang 3rd yr. HS tapos ping aral ulit nya ako ng 4th yr. HS.

Hindi ko po alam kong nagpakasal sya sa ibng bansa para makakuha ng green card pero nalaman ko pong may asawa na sya at may 2 anak. yung panganay nya 19yrs. old tapos yung sunod si ko po alam.

Humihingi ako ng tulong sa nanay ko para makapag aral ako ulit pero di nya ako pinapansin at ang masakit pa dun tinaggal nya lahat ng komunikasyon saken.

TULUNGAN NYO PO AKO GUSTO KO PO SANANG MAKUHA ANG RIGHTS KO BILANG ISANG ANAK NYA. AT GUSTO KONG KILALANIN BILANG ANAK NYA. SANA PO MATULUNGAN NYO AKO MARAMING SALAMAT PO

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Nasa tamang edad ka na! kumbaga MATANDA KA NA HINDI KA NA MENOR DE EDAD! kung noon ka pa sana humingi ka ng tulong noong bata ka pa sana nagkaroon ka pa ng chance! At kung totoo man na meron na syang green card ibig sabihin may residency na sya sa ibang bansa pagkatapos ng ilang taon kasunod noon meron na silang US passport, mas malabo mo na syang maobliga pa! lalo na kung hindi pa sya nag dual nationality hindi na sya under Philippines jurisdiction! kaya magbanat ka na lang ng mga buto mo!

sanaemiyuki


Arresto Menor

Hindi nyo po ako naiintindihan. Buong buhay ko po niloko nya kame ng tatay ko. Wala naman akong habol sa pera ang akin lang yung ituring akong anak. nakita ko sya dati pero tinanggi nya ako na anak nya. kung ang tatay ko po ba ang mgsasampa ng adultery may laban po ba ako? nagtatanong lang po ako sana wag kayong magalit

sanaemiyuki


Arresto Menor

Ginawa ko po lahat ng pag hahabol sakanya nung menor de edad ako pero wala po. kung ikwekwento ko po lahat sa inyo handa po ba kayong makinig? Nagkaron sya ng ibang anak samantalang kasal sila ng tatay ko.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Sa abroad 16 years old pa lang ang mga bata ay inu obliga na ng government nila na mag trabaho! its their choice kung gusto nilang magpatuloy sa University! sa Pinas lang exists ang mga asa sa mga magulang kahit matanda na nasa poder pa rin nila ang mga anak kahit may sarili na silang pamilya asa pa rin sa magulang! kung ang nanay mo ay may sarili ng pamilya at binale wala ka na! siguradong meron syang malalim na dahilan! dahil kung talagang gusto ka nyang abandunahin noon pa mang iniwan ka nya wala ka ng narinig at natanggap na balita sa kanya tulad ng sinabi mo na pina aral ka pa nya! minsan ang tao napapagod din dahil kung ang isang anak ay puro asa lang at walang sariling pagsisikap bakit pa sya magpapaka hirap? iba na ang panahon ngayon iha/iho mahirap ang buhay kaya kung gusto nating umunlad nasa atin na yun! Nung panahon namin 13 pa lang kami ng mga kapatid ko kayod kalabaw na kami upang makapag tapos lang ng pag aaral minsan wala kaming makain pero lahat ginawa ko at hindi ako umasa sa mga magulang ko para makatapos lang ako ng pag aaral! Ngayon maipagmamalaki ko meron akong masayang pamilya kahit mahirap lang ako noon nagsikap ako! dahil naniniwala ako na ang pag aaral ay susi ng gintong daan para sa ating magandang kinabukasan!

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Depende yan! kung sya ay may Philippine passport pa bakit hindi? pwede kang magreklamo pero kung hindi na sya Philippine passport holder wala na kayong habol dahil labas na sya sa batas ng Pilipinas!
Alam mo ba kung gumagamit pa sya ng Philippine passport? alam mo ba ang Philippine passport details nya? Kung wala kang details ng Philippine passport nya mahihirapan ka lalo na kung iba na ang passport nya or hindi na sya sakop ng batas ng Pilipinas.

sanaemiyuki wrote:Hindi nyo po ako naiintindihan. Buong buhay ko po niloko nya kame ng tatay ko. Wala naman akong habol sa pera ang akin lang yung ituring akong anak. nakita ko sya dati pero tinanggi nya ako na anak nya. kung ang tatay ko po ba ang mgsasampa ng adultery may laban po ba ako? nagtatanong lang po ako sana wag kayong magalit

sanaemiyuki


Arresto Menor

Wag nyo naman po sana akong husgahan. binuhay ko po ang sarili ng mag isa ako ANG GUSTO KO LANG MAKUHA ANG PAHKILALA SAKEN NA ANAK NYA. May trabaho ako hindi ko kailangn ng pera nya, hindi nyo po siguro naranasang itanggi ng magulang nyo kaya nasasabi nyo yan. Hindi rin po ako umasa sa pera nya para mabuhay dahil sa lola ko ako lumaki at ako ang bumuhay samen. pinag aral nya ako uu mula kinder hanggang grade 3? tapos hindi na sya ulit ngparamdam saken. kung hindi po namen sya hinahagilap hindi sya magpaparamdam maraming pangyayaring tinaguan nya ako at ngsinungaling na wala sa pilipinas. DI BALE PO SALAMAT NALANG PO SA ADVICE NYO. MINSAN HINDI SAPAT ANG NALALAMAN NG TAO PARA MANGHUSGA MARAMING SALAMAT PO SA TIME.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Kung kasal sya sa tatay mo at nagka anak sa iba siguraduhin mo lang na meron kang copy ng mga birth certificate ng mga anak nya. Which is impossible dahil nga sabi mo may green card na sya ibig sabihin hindi Pilipino ang pangalawang asawa nya! tama ba? dahil kung hindi Pilipino mahirap patunayan ang adultery na sinasabi mo dahil kailangan yan ng concrete evidence! eh kung wala sila sa Pinas papano mo hahabulin? di ka nga maka tustos sa pag aaral mo idedemanda mo pa sya! lalo ka lang hindi i acknowledge nun! Rolling Eyes

sanaemiyuki wrote:Ginawa ko po lahat ng pag hahabol sakanya nung menor de edad ako pero wala po. kung ikwekwento ko po lahat sa inyo handa po ba kayong makinig? Nagkaron sya ng ibang anak samantalang kasal sila ng tatay ko.

sanaemiyuki


Arresto Menor

Pilipino po sya. taga pampanga ang anak nyang panganay sa UST ngaaral. marami naman pong FREE atty. eh. Ang alam ko lang gusto ko paglaban ang karapatan ko bilang anak or kahit ang tatay ko nlng sa panlolokong ginawa nya.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Dyan ka nagkakamali iha/iho (babae ka ba o lalaki?) wala kaming kinagisnang magulang, maliit pa lang kami patay na sila! mga tiyahin ko na lang ang tumutulong sa amin pero inalila din kami pero okay lang yun! dahil kahit papano hinahayaan nila kaming kumayod para sa pag aaral namin! kaya kahit papano naka tapos ako sa sarili kong sikap! Hindi mo pwedeng pilitin ang taong ayaw sa iyo! kung ayaw kang i acknowledge malamang meron syang basehan dito!
Ang intindihin mo na lang ay ang sarili mong buhay hindi ka na bata kaya hindi mo na kailangan ang saya ng nanay mo!

sanaemiyuki


Arresto Menor

[quote="AWV"]Kung kasal sya sa tatay mo at nagka anak sa iba siguraduhin mo lang na meron kang copy ng mga birth certificate ng mga anak nya. Which is impossible dahil nga sabi mo may green card na sya ibig sabihin hindi Pilipino ang pangalawang asawa nya! tama ba? dahil kung hindi Pilipino mahirap patunayan ang adultery na sinasabi mo dahil kailangan yan ng concrete evidence! eh kung wala sila sa Pinas papano mo hahabulin? di ka nga maka tustos sa pag aaral mo idedemanda mo pa sya! lalo ka lang hindi i acknowledge nun! Rolling Eyes

Sinasabi nyo po bang manahimik nalang ako at mamuhay ng sarili? at pabayaan sya? ganon po ba

sanaemiyuki


Arresto Menor

Dyan ka nagkakamali iha/iho (babae ka ba o lalaki?) wala kaming kinagisnang magulang, maliit pa lang kami patay na sila! mga tiyahin ko na lang ang tumutulong sa amin pero inalila din kami pero okay lang yun! dahil kahit papano hinahayaan nila kaming kumayod para sa pag aaral namin! kaya kahit papano naka tapos ako sa sarili kong sikap! Hindi mo pwedeng pilitin ang taong ayaw sa iyo! kung ayaw kang i acknowledge malamang meron syang basehan dito!
Ang intindihin mo na lang ay ang sarili mong buhay hindi ka na bata kaya hindi mo na kailangan ang saya ng nanay mo! [/quote]

Ang pinagkaiba po naten ako merong nanay pero ang lagi nyang sinasabi HINDI KO SYA NANAY... Ang makitang masaya sila ng kanayang mga anak at makitang ako inulila nya ay masakit. iba po yun. MASAKIT YUN

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Bakit mo sinabing may green card na sila kung hindi sila sa US nakatira? yung anak ng nanay mo ay kapatid mo bakit mo naman gagawing miserable ang buhay nila? matanda ka na para mag isip ng paghihiganti! ano naman ang mapapala mo kung magulo mo ang ina mo? Galit at poot lang yang nananaig sa iyo! hindi healthy sa kunsensya yan! hindi ka makakatulog kung ganyan ang laman ng isipan mo! kalimutan mo na ang paghihiganti walang magandang patutunguhan yan!

sanaemiyuki wrote:Pilipino po sya. taga pampanga ang anak nyang panganay sa UST ngaaral. marami naman pong FREE atty. eh. Ang alam ko lang gusto ko paglaban ang karapatan ko bilang anak or kahit ang tatay ko nlng sa panlolokong ginawa nya.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Nasa sa iyo yan! kung kaya mong lumaban bahala ka! pero kung ang sitwasyon ay hindi ka kinikilala, ano pa ba ang ine expect mo kung gawan mo sila ng gulo? gumagawa ka lang lalo ng ikagagalit ng ina mo sa iyo!

Sinasabi nyo po bang manahimik nalang ako at mamuhay ng sarili? at pabayaan sya? ganon po ba

sanaemiyuki


Arresto Menor

Hindi ko gustong sirain ang buhay nila gaya ng ginawa nila saken. ANG IPAMUKA SAYO HARAP HARAPAN NA HINDI KA NYA ANAK EH PARANG PINAPATAY KANA.. tulad po ng sabi ko ang gusto ko lang makilala nya ako yun. Kung gagawin ko man to at mapatunayan ko lahat tama lang un sa panloloko nyang ginawa sa pag iwan saken sa pagmumukang di nya ako anak. paxenxa na po kayo

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

There's no point asking advice here if your mind is set for what it is you want to do! your choice to sue your mother to make situation worst as it is, is your decision so don't come and ask people here what is the right thing to do! Your life is full of drama as it is and you think revenge is the answer? Take her to FACE TO FACE MAYBE IT IS BETTER FOR YOU TO HAVE A SECOND OPINION!

sanaemiyuki wrote:Hindi ko gustong sirain ang buhay nila gaya ng ginawa nila saken. ANG IPAMUKA SAYO HARAP HARAPAN NA HINDI KA NYA ANAK EH PARANG PINAPATAY KANA.. tulad po ng sabi ko ang gusto ko lang makilala nya ako yun. Kung gagawin ko man to at mapatunayan ko lahat tama lang un sa panloloko nyang ginawa sa pag iwan saken sa pagmumukang di nya ako anak. paxenxa na po kayo

sanaemiyuki


Arresto Menor

Nagpost po ako dito at mahinahon na ngsasalita ... FULL OF DRAMA???? nasasabi mo po yan kasi di mo naranasan ang nararanasan ko... TRY MO DIN PONG ILAGAY ANG SARILI MO SA TAONG BINIBIGYAN MO NG ADVICE. . . .

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

I have been in the worst stage of my life before my parents died, worst than what you experienced but I don't need to wash my dirty linens here in the public as what you are doing! Your only 23 and full of anger and thought what your plan is the best! There's no point asking advice from someone else as you seem to be fixed of what you plan so go ahead revenge may be sweet but one thing for sure regret is always in the end! Good luck on being stubborn!

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

Try to search for any Filipino community sa States kung saan siya naninirahan, baka maka-hingi ka ng tulong sa kanila para magkaroon ulit ng communication sa Nanay mo, then you can start from there.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Concepab, Nasa Pampanga lang daw kapatid nya eh! pero nasa US ang nanay nya na may green card ibig sabihin nun in a couple of years time meron na yung US passport at kahit meron pang Filipino community sa US kung ayaw magpakilala ang ina malabong makipag socialise sa mga Pinoy yun! dahil sa US ang mga Pinoy ay hindi ganun ka close!
At kung gusto nya talaga maging maganda ang pagtingin ng ina nya sa kanya hindi sa paraan na gusto nya para makuha ang kanyang attention nito! manu man lang puntahan nya ang kapatid at magpakilala! malay mo makatulong pa sa kanya ito para ilapit sya sa ina nila! kaso gusto nya gawan ng problema ang ina para makuha ang attention nito! tama ba yun?

concepab wrote:Try to search for any Filipino community sa States kung saan siya naninirahan, baka maka-hingi ka ng tulong sa kanila para magkaroon ulit ng communication sa Nanay mo, then you can start from there.

toragsoysailog


Arresto Menor

sanaemiyuki wrote:Hindi ko gustong sirain ang buhay nila gaya ng ginawa nila saken. ANG IPAMUKA SAYO HARAP HARAPAN NA HINDI KA NYA ANAK EH PARANG PINAPATAY KANA.. tulad po ng sabi ko ang gusto ko lang makilala nya ako yun. Kung gagawin ko man to at mapatunayan ko lahat tama lang un sa panloloko nyang ginawa sa pag iwan saken sa pagmumukang di nya ako anak. paxenxa na po kayo

Maki gulo na lang ha.. tama lahat sinasabi no AWV. Ang nararamdaman mo sa matagal ng panahon e awa sa srili mo at ama mo at higit sa lahat ay galit.. di ko inaalis na magalit ka ng husto at talaga namang kasuka suka ugali ng nanay mo.. isa rin akong ina pero di ko kayang iwan ang mga anak ko. Ang ilagay mo na lang sa isipan mo ay iyan ang kapalaran mo at talagang iba iba ang pag uugali ng mga tao. may mabait at mga walanghiya. mag trabaho ka na lang at mabuhay ng walang ina. Ang ama mo ang mahalin mo at bigyan ng magandang buhay... Huwag ka magagalit ang nararamdaman mo ay pag hihiganti sa nanay mo, may halong inggit dahil maganda ang buhay ng mga ank nya sa iba.. kung wala rin yan at nag hihirap di mo na papangarapin pang gantihan bagkus siya ay iyong tutulungan pa, Move on iha o iho.. maraming taong nabubuhay na kamukha ng kapalaran mo. pero sila ay nakapag patawad rin at ngayon ay nabubuhay ng sarili..

oo pabayaan mo na ang nanay mo at isa siyang masamang ina sa iyo.. hwag ka na gumanti at magugulo lang siya at ang buhay mo. Hwag mong kalimutan na magdasal at yan lang ang kasama mo sa buhay.. Lahat ay may katapusan.. Goodluck at sana ay maalis ang sama ng iyong loob. May God bless you.

sanaemiyuki


Arresto Menor

Concepab, Nasa Pampanga lang daw kapatid nya eh! pero nasa US ang nanay nya na may green card ibig sabihin nun in a couple of years time meron na yung US passport at kahit meron pang Filipino community sa US kung ayaw magpakilala ang ina malabong makipag socialise sa mga Pinoy yun! dahil sa US ang mga Pinoy ay hindi ganun ka close!
At kung gusto nya talaga maging maganda ang pagtingin ng ina nya sa kanya hindi sa paraan na gusto nya para makuha ang kanyang attention nito! manu man lang puntahan nya ang kapatid at magpakilala! malay mo makatulong pa sa kanya ito para ilapit sya sa ina nila! kaso gusto nya gawan ng problema ang ina para makuha ang attention nito! tama ba yun?


Nakakausap ko po yung kapatid ko maayus akong kumausap sakanya at nakipagkita, ilang beses ko pa nga syang sinamahan dahil nakiusap saken at pilit akong sinasali sa frotrow eh wala naman akong pera para sa networking eh. ngkakausap kame sa fb. lagi kong pinapasabi sakanya lahat ng gusto kong sabihin. Dinadaan ko nga po sa maayos na usapan eh kaya ako ngtatanong kung tama pang sampahan sya ng kaso WALA AKONG PLANONG GULUHIN BUHAY NILA DAHIL KUNG MERON MATAGAL KO NG GINAWA... ANG GUSTO KO LANG MASAGOT ANG MGA "BAKIT" KO SA SARILI YUN. Masyado mo naman pong iniinsist na manggugulo ako...

sanaemiyuki


Arresto Menor

Maki gulo na lang ha.. tama lahat sinasabi no AWV. Ang nararamdaman mo sa matagal ng panahon e awa sa srili mo at ama mo at higit sa lahat ay galit.. di ko inaalis na magalit ka ng husto at talaga namang kasuka suka ugali ng nanay mo.. isa rin akong ina pero di ko kayang iwan ang mga anak ko. Ang ilagay mo na lang sa isipan mo ay iyan ang kapalaran mo at talagang iba iba ang pag uugali ng mga tao. may mabait at mga walanghiya. mag trabaho ka na lang at mabuhay ng walang ina. Ang ama mo ang mahalin mo at bigyan ng magandang buhay... Huwag ka magagalit ang nararamdaman mo ay pag hihiganti sa nanay mo, may halong inggit dahil maganda ang buhay ng mga ank nya sa iba.. kung wala rin yan at nag hihirap di mo na papangarapin pang gantihan bagkus siya ay iyong tutulungan pa, Move on iha o iho.. maraming taong nabubuhay na kamukha ng kapalaran mo. pero sila ay nakapag patawad rin at ngayon ay nabubuhay ng sarili..

oo pabayaan mo na ang nanay mo at isa siyang masamang ina sa iyo.. hwag ka na gumanti at magugulo lang siya at ang buhay mo. Hwag mong kalimutan na magdasal at yan lang ang kasama mo sa buhay.. Lahat ay may katapusan.. Goodluck at sana ay maalis ang sama ng iyong loob. May God bless you.



WALA PO AKONG HABOL SA KUNG ANONG MERON ANG PAMILYA NILA... Nanay din po kayo ang gusto ko lang makita sya at makausap na kung saan ipinagkait nya saken, tinangging anak ako. Nangungulila ako sa ina at un po ang pinaglalaban ko. . . makilala ako at makita sya and after nun kahit tapos na kame. Pag hihiganti na po ba ang gagawin kong makita sya at makausap?

sanaemiyuki


Arresto Menor

concepab wrote:Try to search for any Filipino community sa States kung saan siya naninirahan, baka maka-hingi ka ng tulong sa kanila para magkaroon ulit ng communication sa Nanay mo, then you can start from there.

alam ko po kung san sya nakatira sa ibang bansa, kasi ngpapadala po ako ng sulat eh. alam ko din po phone number nya

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

AWV wrote:Concepab, Nasa Pampanga lang daw kapatid nya eh! pero nasa US ang nanay nya na may green card ibig sabihin nun in a couple of years time meron na yung US passport at kahit meron pang Filipino community sa US kung ayaw magpakilala ang ina malabong makipag socialise sa mga Pinoy yun! dahil sa US ang mga Pinoy ay hindi ganun ka close!
At kung gusto nya talaga maging maganda ang pagtingin ng ina nya sa kanya hindi sa paraan na gusto nya para makuha ang kanyang attention nito! manu man lang puntahan nya ang kapatid at magpakilala! malay mo makatulong pa sa kanya ito para ilapit sya sa ina nila! kaso gusto nya gawan ng problema ang ina para makuha ang attention nito! tama ba yun?

I agree with your point. Pero anak siya ng nanay nya, and he deserves to be recognized as a son, pati na din ang lahat ng nararapat para sa kanya bilang anak.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum