ito po ang sitwasyon namin kasalukuyang may alitan sa lupa ang mga matatanda namin. ang merong kinakasamang babae ang apo ng kabilang kampo na nanigaw at ininsulto ang lola ko.
nagsampa ng reklamo sa barangay ang lola ko at sa dalawang paghaharap hindi sumipot ang babae sa reklamong paninirang puri. dalawang araw bago ang susunod na paghaharap na-istroke ang lola ko at nauwi sa coma na lagi daw balisa, nanggigigil at may history ng high blood na umaabot ng 180/140. at habang coma ang lola ko ay biglang sumulpot ang babae at nung araw din yun ay namatay ang lola ko.
maaari pa bang ituloy ang kasong paninirang puri kahit patay na ang tao?
salamat pO!