May kaso ako na Slight Physical Injury at Oral Defamation dahil sa away na nang-yari sa 2012, dahil sa magulo yun pagparada ang kotse ng Complainant binanga niya yun nakaparada kong Scooter sa harap ng bahay namin. Sinabihan ko siya at doon nagsimula ng away at suntukan, pero yun Complainant ang nagsimula ng suntok.
Dahil ayaw ko magkalaki ang problema gusto ko na lang magka Settle sa Barangay, pero ayaw yun Complainant at dahil may Medico siya tinuloy niya ang pag demanda sa akin at ngayon na sa MTC na kami. Maraming siyang sinasabi na hindi naman totoo na paanong nakawawa daw siya sa suntukan namin, pero halos pareho lang kaming nasugatan sa suntukan. Naging Witness na din yun kasama ng Complainant sa pag dedemanda sa akin.
Kilala yun mga kapit bahay namin yun Complainant at alam nila na talagang mahilig makipag away siya nun dati pa, ngayon na Discover ko may Criminal Record na Theft pala yun Complainant, may nahuli na siya dati sa away din at pagnnaakaw ng Appliances sa isang mayari ng bahay.
Ang tanong ko puwede ko kaya gamitin at ipakita itong informasyon sa kaso ko na may Criminal Record pala yun Complainant?
Salamat.