suspended ako dahil hindi ko po nai-share ang file sa computer. negligence of duty ang ikinaso sa akin ng manager ko. 3 times na daw po dahil 1 calendar year po ang counting.
nagalit po ako sa manager ko dahil pina shoulder po sa akin lahat ng kasalanan as if ako lang mag isa ang gumawa. may failure din naman po sa part ng officemate ko. saka sa ayaw at sa gusto ko daw po mangyayari. hindi ko po alam kung ano un. pero ang thinking ko termination po.
napa drastic po ng hatol na ginawa nya sa akin. wala man lang written warning, suspended agad. sinulatan ko po ng i refused to signed (bilang katibayan na ako ang nagsulat tulad ng instruction ni mam pinirmahan ko po at nilagyan ng oras). 5 days suspension April 29-30, May 2-4, 2013.
sa monday hindi po ako papasok dahil dito. sa ayaw at sa gusto ko po, susundin ko. dahil boss sya (sabi po nya sa akin yan noon pa na boss sya kaya kung ano ang gusto nya gawin sa akin ay gagawin nya). sabi po nya wala daw po sya ginagawa na hindi according sa code of conduct. labag man po at masakit sa kalooban ko ang pag suspend nya sa akin. susunod po ako. sa sobrang sama ng loob ko ngayon para matapos ang diskusyon namin. tinuya ko po sya ng "sorry, mali ako hindi ko po nai-share. okay na po. dapat lang ako ma-suspend. boss ka, sabi mo gagawin mo kung ano ang gusto mo gawin sa akin. okay na?".
ano po ba ang dapat ko gawin? may mali man ako pero madalas po nya ako kinakasuhan ng negligence of duty. lagi ko daw po kc sya kinokontra at bino-brought out sa taas (management).
wala akong sapat na kaalaman sa batas. nasaktan din po ako ng last encounter namin (nakalimutan ko na po kung kelan un). wala daw po ako alam sa batas kaya eto ang nangyayari sa akin.
sana po mabigyan nyo ako ng legal advise.
salamat po ng marami.