Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need Legal information.

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Need Legal information. Empty Need Legal information. Sun Apr 07, 2013 4:50 pm

bimbo2676


Arresto Menor

Ito po ang buong story:

Sometimes in Feb,2013 my brother galing po sa pinsan namin na namatay ( 5 hours land travel from there pa balik sa bahay namin ) mga 3 am na nakauwi ang brother ko, while he is approaching sa bahay namin, may nakita syang isang tao attempting to get inside our house.. nasa gate na po namin..tiningnan nya eto kc naka mask ( bounet ) in his head.. he's waiting & observing the guy, until such time na nagising ung kapit bahay namin at nakita rin ng kapit bahay namin ung guy, ang ginawa ng kapit bahay namin kumuha ng itak para gawing panangga kong sakaling lumaban ang magnanakaw.. What my brother did, kinuha nya ung itak ng kapit bahay namin at hinabol ang magnanakaw.. nagkataon naman na sa kabilang block namin may lamay at maraming tao, doon pumunta ang magnanakaw at nag kunwaring parang walang nangyari, since sya ung nakita ng brother ko, dahil sa kanyang damit, tsenilas at shorts na suot kaya tinanong nya eto kong saan galing while hawak nya ung itak, normal reaction din ng mga tao nagulat eto, hanggang dumating na ung pamilya ng magnanakaw at doon na mag umpisang magbunganga.. kong ano ano nalang po ang sinasabi.. sinugod pa kami ulit sa bahay namin..at pina blotter nila ung nangyari.. Frustrated murder & grave threats ung reklamo nila...pilit naman pong e settle ng barangay namin at nong police na nakakasakop sa amin.. ayaw nila mag pa settle. ( according to blotter; dalawang version po ang reason nila; bumili lang daw po ng cegarilyo ung guy.. & the other version po is; hinanap lang daw po nong guy ang tito nya ) sa ngayon po naghihintay po kami ng asunto or mag file sila ng case sa brother ko.. First time po kasi namin masangkot sa ganito.. ano po ba gagawin namin.. kukuha na ba kami ng abogado sa side namin.. or wait pa kami ng subpheona? please help us. marami pong salamat.

2Need Legal information. Empty Re: Need Legal information. Sun Apr 07, 2013 10:46 pm

akustik82


Arresto Menor

Wala namang basehan yang charge ng frustrated murder. Wag kayong matakot. murder ang kaso sa taong may pinatay sa pamamagitan ng patraydor na pamamaraaan, sa pagabuso ng lakas, etc. (see art 248 of the Revised Penal Code). Ang Frustrated na crime ay maari lamang iapply kung yung salarin ay nagawa lahat ng elemento ng krimen, ngunit hindi natupad ang resulta ng krimen dahil sa mga bagay na hindi nya kontrolado (see Art 6 of the Revised Penal Code). Dito sa kaso ninyo, hindi frustrated murder ang ginawa ng kapatid mo dahil wala naman syang intention na patayin yung magnanakaw. Tsaka, ayon sa Supreme Court, meron lamang frustrated murder kung may mortal na sugat na maaring ikamatay. Eh di nga nataga ng kuya mo, so paano magiging frustrated murder? kahit na attempted murder eh di pwede dahil, ayon sa kwento mo, wala namang ginawa ang kuya mo na maiinterpreta na gusto nyang patayin yung lalaki.

Ngayon, tungkol naman sa grave threat. Meron lamang grave threat (o pananakot) kung ang isang tao ay nagbanta sa isa pang tao na gagawan nya ito ng isang bagay na maituturing na krimen sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan: (1) kung ang pananakot ay ginawa ng may kasamang paninikil ng pera o iba pang kondisyon o (2) sa pamamagitan ng pananakot ng walang hinihigning pera o kondisyon (art 282 revised penal code). Wala ka namang sinabi na tinakot ng kapatid mo na tatagain nya yung lalaki. di ba tinanong lang nya? o di walang grave threat na nangyari.

Pero, sa opinyon ko, may mali din yung kapatid mo. Di sya dapat nagpadalos-dalos na akusahan yung lakaki. Malay mo pareha lang ng damit yun sa magnanakaw? Pwede syang makasuhan ng oral defamation kung pinagsasabi nya sa harap ng maraming tao na magnanakaw yung lalaki o di kaya ay unjust vexation (pangiinis) dahil sa ginawa nya. Pero kung sigurado sya talaga na yun nga yung magnanakaw, pwede nyong gawing testigo yung kapitbahay para mapalakas yung claim nyo na hindi gumagawa ng kwento yung kapatid mo. Pwede nyo rin palang kasuhan ng unjust vexation sa barangay yung pamilya ng lalaki dahil sa ginawa nilang pagsugod sa inyo.

Wag muna kayo kumuha ng abogado. pumunta kayo ulo sa barangay at mag-attempt na makipag-areglo ulit at igiit na walang basehan ang charge nila na frustrated murder at grave threat. hindi pa kayo papadalhan ng subpoena dahil wala pa sa korte ang kaso. ni hindi pa nga siguro naipadala sa fiscal yang kaso na yan. blotter pa lang naman sa police yung ginawa nila. anyway, kung magattempt sila na mag-file ng kaso sa fiscal, the fiscal will investigate if may substance ba ang kaso nila--and I am sure na kung frustrated murder at grave threat ang gusto nilang i-charge, ay pagtatawanan lang sila ng fiscal. Hindi rin kayo dapat kabahan na aarestohin yung kapatid mo dahil ayon sa Bill of Rights ng Constitution, maglalabas lamang ng warrant of arrest ang korte kung may ginawa ng investigation na merong may nagyaring krimen at maaring ang kapatid mo ay ang maysala. Take note din na kung may pupunta sa inyo na nagpapakilalang pulis, dapat sa araw at dapat may dala syang warrant of arrest at dapat magpakilala sila. Hindi sila dapat basta-basta na lang papasok sa bahay nyo at poposasan ang kapatid mo.

3Need Legal information. Empty Re: Need Legal information. Tue Jul 16, 2013 4:29 am

yramann1184


Arresto Menor

Ganyan din yung case sa brother ko! Really need your advice!

About po sa kaso ng brother ko sinampahan po sila ng Serious Physical Injury & Attempted murder! Nakasaad po sa medico legal 7 days healed findings ng complainant;
-Abrasion lateral Eye (L)
-Contusion w/abrasion (L) Face
-Hyperenia (L) Eye
-Abrasion (L) Wrist

NOI: Mauling

Note: 7 days Healed

Second hearing na po kanina., naibigay na po yung counter affidavit., Na nagsasaad po na self-defense lang ang ginawa ng kapatid ko dahil ang complainant ang lasing at nang harang sa kanila,. gumawa pa ng story na may kutsilyo daw na dala at inundayan ng saksak.. Ngunit wala po iyong katotohan..

Bago po mag-umpisa ang paghaharap..Nagsalita po ang complainant sa harap ng fiscal na makikipag ayus na daw siya., after po nung sinabi un pinalabas ulit kame at tatawagin na lang ulit pagusapan daw muna., pag labas po ng room., sinabi po nung magulang ng complainant na 50thousand po ang hihingin kapalit ng pag atras ng kaso.., pagharap po ulit sa fiscal sinabi po ng mother ko na wala kami ganon kalaki na maibabayad., hindi na po dininig o binasa ang counter affidavit at pinipilit kame na dapat makapagbigay na kame ng 50k this coming July 22, 2013... Bakit po ganun parang walang fair investigation na nagaganap., umpisa pa lang sa barangay walang paghaharap dahil PNP agad.. Humihingi po ako ng advice dahil wala po kame ibabayad na ganung kalaki., may connection po yung pamilya ng naghabla sa kapatid ko sa Mayor namen.. Parang isang panig lang ang dinidinig nila. Kaya talagang kailangan ko po ang advice ninyo.. Ito po ang ilan sa mga katanungan ko;

1) Hindi na po ba mapapababa at madidinig ang kaso na isinampa laban sa kapatid ko.

2) Paano po pag hindi kame nakabayad ng 50k na hinihingi ng complainant.

3) Ano po ba ang kaparusahan sa serious physical injury at magkano po ang piyansa kung sakali matalo kame sa kaso...

Sana po ay mabigyan ninyo ako ng advice..Kung ano dapat namen gawin sa 3rd hearing.

God bless,
yramann

4Need Legal information. Empty Re: Need Legal information. Mon Aug 12, 2013 10:41 pm

Bruised Ween(er)


Arresto Menor

1) Madidinig na po dahil sabi nyo nga po hindi nyo kayang ibigay yung hinihiling nilang halaga sa inyo. Kaya sigurado tuloy tuloy na yan hanggang sa korte at doon na ito diringgin. Sa hearing, doon nya ilahad yung kwento nyo at bahala na korte kung sinong kwento ang mas papaniwalaan.

2) Pag hindi kayo nakabayad, itutuloy nila ang kaso.

3) Ang kaparusahan ay depende sa epekto ng sugat at sa katangian nito.

5Need Legal information. Empty Subpoena Mon Aug 26, 2013 9:32 am

bimbo2676


Arresto Menor

Hi,

Aug. 25, naka received na po kami ng Subpoena from the Municipal Trial Court, & we need to appear before the court on September 4, 2013..for the arraignment of the case committed " Other Light Threats " with our counter-affidavit, other documents & our witnesses.

Wala pa po kaming nakuhang abogado.. ano po ang gagawin namin.. can we appear the court kahit wala pa kaming abogado.

Ang sabi ng complainant na talgang hihingi sila ng pera sa amin.. at wala po kaming balak mag bayad..dahil kilala po naming sila na mukhang pera.. kaya ilaban po talaga naming ang kaso.

Ano po ba ang mga sunction ng "Other Light Threats"?

Thanks

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum