SALAYSAY:
Ang lola ko po ng nabubuhay pa ay may lupa na may sukat na 3,875 SQ.meters.pinaaaryendohan nya po ito sa Vicente Salazar.ang trabaho po ng Vicente ay ang mag aryendo o mag rent ng mga lupa.may mga tauhan po sya na nag aararo,at naghaharvest, mga tubo (sugarcane) po ang patanim nya sa madaling salita po ay isa syang kapitalista.HINDE SYA ANG PERSONAL NA NAG-AARARO, IBINABAYAD NYA ANG PAGPAPA-ARARO SA IBANG-TAO.Taong 2005 ay nagkasakit ng malubha ang tyuhin ko. nagmungkahi si mang Vicente na paghati-hatiin na ang lupa ng lola ko at ibenta sa mga pamangkin.samakatuwid po ay napaghati-hati ang lupa at nabenta rin sa mga pamangkin.matapos pong mabili ng mga pamangkin ang pinaghati-hating lupa ay hinayaan na nila itong na nakapangalan pa rin sa lola. subalit pagkatapos ng 1 taon, matapos na mapaghati-hati ang lupa dahil na rin sa mungkahi nya ay sumakabilang-buhay na sya...5 taon matapos mamatay si Vicente ay ang mga naiwan nyang asawa at anak ay naghahabol sa lupa ng lola ko, at sinasabing may karapatan daw sila na magkaroon ng kahati sa lupa ng lola ko kase nagtrabaho daw doon si Vicente ng nabubuhay pa.Ang tanong ko lang po sa kanila ay bakit noong nabubuhay pa si Vicente ay hinde nag habol sa lupa at ngayon na matagal ng patay si Vicente at nabenta na ang lupa o napaghati-hati na ay saka sila maghahabol.sa katunayan nga po ay naghabla pa sila sa Agrarian.isa ako sa nakabili sa pinaghati-hating lupa ng lola ko...TANONG KO LANG PO SIR MAY KARAPATAN PO BANG MAGHABOL ANG MGA NAIWAN NI VICENTE SA LUPA NG LOLA KO NA NABILI NA NAMIN???
Last edited by April27 on Fri Mar 08, 2013 6:27 am; edited 1 time in total (Reason for editing : mali sng sukat ng lupa na nasabi ko...instead na 3,875 ay 30,875 pala)