good day po!! gusto ko lang po malaman kung ano dapat kong gawin. Nagrerent po ako ng space dito sa deparo, mag 2 years na po ako sa July. Ang first year na rentals ko po ay 5k/month, nag bayad po akong 2 months advance/ 1 month deposit na 15k. Tapos po binayaran ko na po ang rent the whole year. Last Feb po ng 2013, nag expand po ako, sinakop ko na po ung sa labas. Bale 3k per month po yun, so nag 1 month adavance/deposit po ako bale 6k ngayong March 4. Tapos sabi po nung may -ari, magdagdag daw po ako ng another 3k dahil dun sa lumang space na inuupahan ko. Tinanong ko po kung bakit, ang sagot po nila, kasi dati 5k/month ka lang so 15k siningil namin sau, since 6k ka na, dagdagan mo ng 3k para mapunan ung tig 1k na kulang dun sa 2 months advance/ 1 month deposit. So nagulat po ako. since la po ako alam sa legalities, sumangguni po ako dito. Ano po dapat kong gawin??Tama po ba yung ginagawa nila??kung tama po magbabayad naman ako kaso parang naabusado na ako. Salamat po and god bless!!
Free Legal Advice Philippines