good day po. i would really appreciate it kung matutulungan nyo ako sa problema ko ngaun. may naging karelasyon po akong lesbian noon at nakapagpundar kami ng lupa na pinaghatian namin ang kabuuang amount ng binayaran. halos hati rin po kami sa pagpapagawa ng bahay na sa kasalukuyan ay mga kapatid nya ang naninirahan. halos sampung taon na po kaming hiwalay at ngaun po, bilang investment na rin yung lupang naipundar kasama ang bahay, hiniling ko sa kanya na bayaran na lang sa akin ang kalahati ng naipundar ko doon o kung ayaw nyang pumayag, ay paghatiin namin ang lupa at kahit hindi na ako maghabol sa bahay. ngunit ayaw pa rin nya at ng mga kapatid nya. alam ko pong malaki ang karapatan at laban ko sa lupang un dahil nakapangalan sa aming dalawa ang titulo noon at dugo't pawis din ang ipinuhunan ko doon. wala po akong masyadong alam sa batas, gusto ko po sanang kumuha ng abogado para matulungan sa suliranin na ito pero hindi ko alam kung pano ako magsisimula at ano ang unang dapat kong gawin. sa ngayon po, nagmamatigas ang dati kong karelasyon na ibigay ang hinihingi ko at gusto nyang kamkamin lahat ng karapatan at pagmamay ari sa lupa at bahay na yun.
sanay matulungan nyo po ako. More power.
sanay matulungan nyo po ako. More power.