Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password

You are not connected. Please login or register

Paano Malalaman kung valid pa ba ang kasal ng kuya ko if ganito ang situation??

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

EdsRosatazo

EdsRosatazo
Arresto Menor

Atty, Greetings po!
Hingi po sana ko advice regarding sa case ng brother ko.
Sa Japan po sila kinasal ng wife nya. Yr 1997 to be exact. Pareho po sila dun work that time. Pero malaki na rin po ang anak nila nung ikinasal sila. The thing is parang napikot lng naman po talaga ang kuya ko. Kasi ang asawa nya po ang gumawa lahat ng way para maikasal sila kahit nga po nasa trabaho ang kuya ko nung araw na un.

Dahil mas marami nga pong alam at matagal na rin nag-stay ng Japan ang asawa nya bago palang sila magkakilala. (pero filipina din po sya..) Until dumating din po sa point na hindi na maganda ang takbo ng relasyon nila. And just trying to live together for the sake of my nephew. (their son).

The thing is, meron pong ginawang eskandalo sa isang bar sa Japan (year2004) ang asawa nya. hanggang sa ngkasagutan nga raw po sila.. Nag-away sila halos in public. Hanggang sa may police na nga pong involved. At and huli po ay sinabihan nila ang kuya ko to stay-away from his wife. Na kahit kelan daw po ay hndi na sila pwede mgkaron ng kahit anong klaseng kontak. At pati po anak nila ay hindi pinapakita sa kanya since then.
Bawal na daw po sya lumapit, o tumawag sa kanya. For whatever reason, hindi po malaman din ng kuya ko. Though as far as I knew, ok lng po iyon sa kuya ko that time. Kasi nga po, hindi na nya rin talaga gusto makisama sa asawa nya.

In short po, they live separately na by then. Hanggang sa nababalitaan at kami po mismo nakikita na namin sa fb accnt ng ex-wife nya na meron na syang ibang kinakasama.. At pati po pala lahat ng assets nilang mg-asawa ay kinuha lahat ng asawa nya.. Wala po syang ibinigay sa kuya ko. Even yung bahay nila dito sa Las Pinas ay ibenenta ng asawa nya ng hindi nya rin po nalalaman. Pero hinayaan nalang po nya iyon. Kaya ngdecide na rin po ang kuya ko na mag-move on and gumawa ulet ng sariling buhay nya.

Kaya dumating din po sa point na may nakilala ulet siya nung minsan po syang ngbakasyon ulet dito sa Pilipinas.. And alam ko po ay 3yrs na din sila ng gf nya ngaun. Pero inaantay parin po ng gf nya na mag-pakasal sila. Aware naman po siya sa situation ni kuya.

Kaya po nag-try sila na kumuha ng CENOMAR nya pero nakalagay po doon na kasal pa nga po sya sa dati nyang asawa. Kaya ang problema po ni kuya, hindi nya alam gagawin nya (dahil nga po sa warning na binigay sa kanya police ng Japan noon na bawal sya lumapit kahit kelan sa asawa nya, kng hindi huhulihin daw po sya...) gusto nya lang po malaman sana sa ex-wife nya kng meron na po bang kht anung document na hawak ang dati nyang asawa na mgpapatunay na hiwalay na sila.. Kasi nga po lantaran na rin po nya pinapakita sa iba meron na rin syang ibang kinakasama..(ung ex-wife nya po)

Bigyan nyo naman po kami ng advice. Naaawa na din po ako sa kuya ko. Alam ko po kung gano nya kagusto na makasama ung gf nya ngaun. Sana po matulungan nyo ko.. at matulugan ko din ang kuya ko. Wala lang po syang oras dahil sobrang busy sa trabaho at sya rin po kasi ang nagpapaaral sakin ngayon. Ano po kaya ang dapat nyang gawin? Pano nya po mapapakasalan ang gf nya ngayon o mapapawalang bisa ang kasal nila ng dati nyang asawa, kung totoong kasal nga po sila?

By the way, nasa Japan parin po work si kuya. He's 37 na right now. Ang gf nya po nandito lang din sa Pinas work. At ung ex-wife nya po ay nandito rin ngayon sa Pilipinas nakatira may kalive-in narin pong iba.

Sana po matulungan nyo ako. Salamat po sa pagbibigay nyo ng oras sa pagbasa sa message ko na ito. Matagal na rin po kasi akong nagiisip ng way para matulungan si kuya. Estudyante pa lang po kasi ako, kaya eto lang ang way na kaya ko at alam ko. Aasahan ko po ang sagot nyo. More Power po and God Bless!

Edralyn R.

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

File a petition for annulment.

raldy_b

Arresto Menor

Yes a petition for annulment or declaration of nullity if there was legal flaws in the concent of ur brother to enter in a contract of marriage with his ex wife. Even if the ex wife got a divorce and remarried in japan, such is not valid and binding under philippine laws as far as ur brother is concerned considering they are both filipinos. Their marriage is binding upon them, though it was celebrated in japan.

Another thing, check the nationalitynof his ex wife, she may have acquired japanese nationality through naturalization and got a binding divorce there, if such is the case, ur brother is free to re marry again and he just have file the citizenship papers of his ex wife and the decree of divorce with the local civil registrar or nso for him to get a fesh civil status.

I just hope this helps.

L.p.

raldy_b wrote:Yes a petition for annulment or declaration of nullity if there was legal flaws in the concent of ur brother to enter in a contract of marriage with his ex wife. Even if the ex wife got a divorce and remarried in japan, such is not valid and binding under philippine laws as far as ur brother is concerned considering they are both filipinos. Their marriage is binding upon them, though it was celebrated in japan.
L.p.
Another thing, check the nationalitynof his ex wife, she may have acquired japanese nationality through naturalization and got a binding divorce there, if such is the case, ur brother is free to re marry again and he just have file the citizenship papers of his ex wife and the decree of divorce with the local civil registrar or nso for him to get a fesh civil status.

I just hope this helps.

--Thank you so much for the advice. You have no idea, how much you've enlightened me and feels like I could tell my kuya that there's such a way for him to be free from that unwanted marriage since then. So that he could live his new life too legally. thanks again! God Bless po!

Sponsored content

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum