ang anak ko po ay 16 yrs old at dalaga pa. nagkita sila muli ng kaklase nya (Nico) nung grade6 after new year 2013, naging magkaibigan ulit, sa sandaling panahon napaibig sya ng lalaking ito na nag 18 na kahapon Jan 30, 2013. Nung una sila magkita me mga ksamang kaibigan hanggang sa sya na lang ang iniimbitahan nito sa bahay ni Nico. hindi naman talaga umiinom ang anak ko ngunit twing ppunta sya dun sa bahay nito dahil niyaya sya, napapainom sya at dun nangyari ang kinatatakutan ko at naulit pa ng maka3 beses. nung Jan 22 di sya umuwi ng bahay dahil sa takot na malaman namin ang nangyari sa kanya. nalaman namin ang bahay ni Nico sa tulong ng mga kaibigan at sinundo namin ng lola nya ang anak ko bandang 10PM. pero sa halip na ilabas ang anak ko nagpatay sila ng ilaw at nagkunwaring walang tao kahit na nandun ang ina at mga nakababatang kapatid nito. tumawag kami ng tulong ng barangay at police nakuha namin ng 4am ang anak. naghabla ako sa barangay sa mag-ina at todo deny ang ina na di daw nya alam na me kumakatok at si Nico binabaligtad na kwento. ang anak ko daw ang pumupunta sa bahay nila at kagustuhan daw nila pareho.. posible dahil napaibig nya ito pero 16 yrs old ang anak ko at siya ay turning 18 in a few days. sinabi ni Nico sa harap ng barangay na kaibigan lang daw ang turing nya sa anak ko at di naman kami naghahabol para sila ay makasal. ang gusto ko po sana ay managot si Nico sa pagsasamantala sa anak ko dahil napagalaman ko sa barangay at sa mga gwardya ng subdivision na meron na din syang ganitong kaso dati at me kasama pang pananakit ng babae... ano po kaya ang tamang gawin? by the way ang nanay po ni Nico ay kaibigan ng asawa ng kapitan barangay.
Free Legal Advice Philippines