Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pati child support pwede bang ipatigil ng 1st wife?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

lovehon

lovehon
Arresto Menor

Good day po.. Masyado na me naguguluhan sa sitwasyon.. help me n naman .. need advice. Nalaman ko na may unang asawa ang asawa ko.. After 4 years pa.Hindi me nagfile ng bigamy. Eto po yung gusto ko malinawan dahil after ng marriage namin nagkaanak kami and 8 yrs old na.. then ang sabi nya sa akin before ay aayusin nya ang lahat. 1. natuklasan na din pala ng 1st wife kmi. puro mura at paninirang puri ang pinadadala nyang txt msg. nanahimik ako, ayoko ng gulo dahil hindi ko ginusto ang ganito. hwag ko raw gamitin ang apelyido ng asawa nya, kaso lahat ng documents ko ay nabago na. May laban ba ako kung magkaron mg demanda?
2. Ang 8 yr old na anak ko sinasabihan nya rin ng kung anu ano salita dun sa txt nya sa akin., iba ng usapan ito. Hwag daw ako makahingi ng pampaaral ng anak ko , idedemanda nya daw kapag hindi ako makipaghiwalay.ang sama ko daw, MAY KARAPATAN PO BA SIYA HARANGIN ANG SUSTENTO NG BATA or kahit lumaki na ito. Kung maghiwalay kmi ng asawa ko ,at maannuled , ano rights ng anak ko . 3..Last po may hawak siya picture ako at anak ko na ipinadadala thru msm, kung sakaling ikalat nya iyon lalo na sa internet at may nakasulat na nakakasira sa BATA pwede ko ba siyang kasuhan.Thanx . censya sa pangungulit, kasi alam ko isang araw maghaharap din kami at kakailanganin ko tlaga abogado, kaso hindi pa ako ready financially, sila kasi may kaya. at dapat ang asawa ko ang umayos nito. Gustong gusto kona nga din sagutin. until now tahimik ako. nasa abroad po pala ang tatay ng anak ko. ang pangako na naman nya pagdating maguusap usap kami. . masakit na sa ulo, masakit pa sa puso.

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

The first wife cannot stop the financial support from the father for your child, obligation ng asawa nya yun. save oll her txtmsgs to you, later on magagamit mo yan laban sa kanya.

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

i agreed with kaibigang concepab.. anyway tama ang ginagawa mo na manahimik at wag pumatol. infact, dehado ka sa ngayun kc comited ka sa bigamy case. though hndi mo alam na may una syang asawa t consider na biktima ka din? mahirap yan i justify in court. sa ngayun just play safe. ano mang gusot ang meron ka sa nyaun. pag usapan nyo yan ng husband mo. ibigay o sa kanya ang obligasyon na dpt ay sya ang umaareglo for the sake ng anak nyo. and about naman sa sustento? may karapatan ka na mag demand dito at rights ng anak mo yun sa ama neto. basta sa ngayun stay foot ka lng at dehado ka jan sa first wife. as much as posible? dumistansya ka ateh..Smile

lovehon

lovehon
Arresto Menor

Thanx po sa mga advice, concepab and raheemerick.. sobrang nababawasan mga iniisip ko iba kc kpag ibang tao din ang nakakausap.. Sabi nga din ng mga kapatid ko hayaan kong dumating muna uli ang magaling kong asawa at siya ang umayos.. dahil nung nagpakasal naman me ay dalaga ako at siya ang may diperensya..Wala pa kasing CENOMAR nun...hehehe. Ayun mali ang minahal ko pero mahal ko pa rin until now. Mabait at good provider and father naman. kakaloka nga po. Hindi rin ako nagsampa ng kaso dahil para din sa anak ko. pero eto na malapit na nga ang problema. Sobra nagaalala me sa anak ko kung pati siya ay pakikialaman ng 1st wife. Hindi nan gamun kadali na ibalik ang surname ko. Kc puro siya sabi : AKO LEGAL WIFE, KABIT KA LANG. at bakit ko raw pinagaaral sa pera ng asawa nya ang anak at bakit nagpaanak pa daw ako. eh ... hehe .parang pelikula.nakakasawa na nga siya. So kapag nagkakalat siya ng mga pictures at masamang salita na makaapekto sa bata, pwede ko siyang balikan .. Salamat at nakahanap ako iba pang katulad nyo na nagsasabi may karapatan ang anak ko .. tatahimik ako muna pero lalaban ako para sa anak ko. ay naku subukan nya.. work work work muna para makaipon pang abogado.. Sa mga iba pa pong advice tell me lang po.. attys at sa lahat thanx...

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum