Hi po sa lahat. Gusto ko lang po humingi ng advice about dun sa case ng kaibigan ko. Bale po kinasuhan sya ng Qualified Theft at kasalukuyang nakakulong. Nangyari lang po ito mga 2 days nakaraan. Nagtratrabaho po sya sa isa pong kilalang Supermarket bilang isang kahera. Noong gabi po na paout na po sya may nakita po sa kanya na shades/eye glass sa bag nya. Bale nakita po ito ng supervisor nya. Yung shades na un ay hindi naman po intended talaga na nanakawin nya. Nakalimutan nya lang po na idaan sa ibang cashier para mabayaran nya po. Yung shades na yun aynagkakahalaga ng 149 pesos only. Babayaran naman nya talaga yun dahil pasuyo lang sa kanya ng kaibigan nyang lalaki. Ang nangyari po ngayon ang nakakulong po sya at nakasukan ng Qualified theft. Sa kagustuhan ng pamilya nya na makalabas po sya pansamantala, parang binagbabayad po sila ng malaking halaga para sa piyansa.Nung una 30k ang pinababayad po sa kanila ng attorney na humahawak ng kaso ng kaibigan ko po. Dahil hindi po kaya yung ganun halaga e 12k nalang ang hinihingi. Ang tanong ko po legal po ba yung panghihinge ng attorney para daw sa piyansa? tsaka po Bakit po yung Case nya pasok sa Qualified theft e di naman po kalakihan halaga yung shades at di nya po intention na nakawin nya un kasi po talaga makakalimutin din po yun paminsan-minsan. Please advise me kung ano po ang pwede po namin gawin para po makalabas yung kaibigan namin. Naawa po kasi kami dahil nangyari sa kanya yung ganun at alam namin na sobrang bait po nun at kami ang makapagpapatunay. Para po sa magiging advice nyo po, email nyo nalang po aq sa gmail account ko po. Maraming Salamat po sa sinuman ang tutulong samin.
Free Legal Advice Philippines