magandang araw po sainyo, nais ko lamang po magtanong kung ano po ba ang batas o rules and regulations sa backyard piggery. mayron po kasi kaming alagang mga baboy sa likod bahay namin na 3 inahin,mga biik at ilang fateners. nasa ayos naman po ang aming pag aalaga ng baboy when it comes to proper waste management at malinis ang mga baboy at kapaligiran at mayroon po kaming septic tank. ngunit ang kapitbahay namin na hindi namin kasundo ay nagrereklamo na may umaamoy daw po. taong 1992 o 1993 nagreklamo na po sila dati at pinasanidad kami, nainspection naman po kami at pasado sa standard ng sanidad galing pa ng cabanatuan city. kamakailan lang po ay nagreklamo nanaman sila dito naman sa aming munisipyo, pinainspeksyon po namin tulad ng dati, ang pinagtataka po namin hindi kami pumasa gayong mas maayos po ang aming pag aalaga kumpara nung unang nainspection kami.sa ngayon po ay nagkaroon ng kasunduan na pinagpirmahan na 2 inahin na baboy na lamang ang puede naming alagaan at ibebenta ang magiging anak nito. ang tanong ko pa po, maari po ba naming gamitin na ebidensya yung unang pagkainspection sa min upang mapawalang bisa yung pinirmahan ng aking tatay? at ilang baboy lamang po ba ang allowed na alagaan sa backyard? umaasa po ako sa inyong pagtugon at maraming salamat po!
Last edited by cheri3 on Thu Jan 24, 2013 5:56 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : another question)