Nangutang po ako sa isang tao ng malaking halaga para ibayad sa natitirang loan ko sa condo na inutang ko, at ang ibang halaga ay napunta sa mga ahente na tumulong sa akin para makilala ang inutangan ko. 21% po ang halaga ng outright nila sa halagang 500k na inutang ko,, bukod pa dun nagbigay pa ko tag sampung libo sa tatalo pang ahente, ang interests po ay 7% sa isang buwan mula sa halagang 500k plus di ako pumayag na tumira ang umutang sa aking condo kaya siningil nya din ako ng 25k na upa sa sarili kong bahay. isang beses lang po ako nakapagbayad dahil nagkasakit ako.. dahil dun isang tseke lang ang di tumalbog na may halagang 60k bawat isa (sa tubo at upa) maliban pa sa kabuuang 500k. Bukod dun wala pa po akong titulo sa condo dahil hindi pa ito na isyu ng property management so agreement at kontrata lang ang aming papeles. Binaliwala din ng property management ang kontrata dahil nakapangalan pa ito sa aming mag asawa at namatay na po ang unang asawa ko mahigit tatlong taon na nakakaraan.
Sinampahan po ako ng kaso, hindi po ako nakatanggap ng subpoena kahit isang beses ng personal or wala akong napirmahan mula sa korte dahil di nila alam kung san ako nakatira. nabalitaan ko mula sa dating kaibigan na may warrant of arrest na daw ako, may katotohanan at basehan po ba ito?.. Gusto ko po magbayad pero di ko kaya biglaan at papanigan ba ng batas ang napakalaking interests na ipinataw sa akin..
Ayoko pa po kasi lumutang baka ako arestuhin ako anim na buwan akong buntis at delikado ang maglakad lakad.. sana po mabigyan nyo ako ng kahit konteng feedback. Thank you. Macky