Hi po, i just want to ask if ano po ang dapat kong gawin sa case ko. Ganito po kasi ang nangyari, nagtatrabaho po ako sa isang kilalang kumpanya bilang office staff and madami po akong hinahawakang reports, isa po akong IT graduate and the job that i have right now is really not related sa natapos ko, nag apply po ako sa isa pang kilalang kumpanya at natanggap po ako bilang "Programmer". ang problema po, pinag start ako right away nung natanggap ako, but i talked to the new company na bigyan ako until feb 1. para ma-turn over lahat ng reports at mga kailangan gawin sa company na iiwan ko. Kinausap ko po ang mga managers ko sa old company ko about this and nung una, pumayag sila ng 15 days na pagrerender, tapos po, pinatawag nila ako to inform me na hindi nila ako irerelease and dapat ko pong tapusin yung 30 days na pagrerender ko. Ano po ba ang dapat kong gawin? gusto ko po mag grow ang IT career ko and to be honest ayoko na po sa old company dahil sa workload and sa napakababang salary, ang hirap pa po, 8am-5pm ang pasok namin pero pinaparinggan kami ng boss namin na tamad daw kami pag hindi kami nag overtime. almost every day po 8am-9pm po ako nagtatrabaho para lang hindi mapagalitan. napapagod na po ako and hindi na masaya sa nangyayari kaya po naghanap ako ng IT company. please tulungan niyo po ako dahil ayoko din pong masira yung taong tumulong sakin makapasok sa old company ko na yun. Salamat po and pasensya na po kayo kung sobrang haba kasi sobrang emosyonal ko sa sitwasyon ko ngayon.