few months ago ay sumugod po ako sa bahay nong babae,wala po don ang asawa ko.pumasok ako sa bahay nila at pinagsasampal ko yong babae, na kapapanganak at kalalabas lang pala sa hospital few hours ago.hindi sya kumilos kasi she was undergo operation pala.
umalis ako ng bahay at pina blotter ko sila sa barangay dahil sa pambababae nya.After 3 days ay pinatawag kami sa barangay para ayusin ang kaso.nalaman ko po na pina-blotter din po ako,tresspassing at pananampal po.inamin ko yon.hindi naayos ng araw na yon kaya nagkaron po ng another schedule para sa susunod na hearing sa kaso namin sa barangay.Nong dumating and petsa ng 2nd hearing ay hindi na kami pinatawag ng barangay kaya hindi na kami sumipot.
Sa ngayon po ay plano ko pong magsampa ng kaso sa kanila.kumpleto na po ako ng mga ebidensya.Gusto ko po kasing bumalik samin ang asawa ko pero ayaw na nya kasi lage din naman kaming nag -aaway,hindi naman daw sya nagkukulang ng suporta.ayaw lang daw nyang tumira sa bahay kasi hindi kami mgkasundo at ndi din daw makakabuti yon sa mga bata pag nakikita nila.nasaktan lang po kasi ang pride ko kaya gusto ko syang pabalikin samin.
Ito po ang mga tanong ko na gusto kung malaman ang kasagutan at umaasa po ako na matutulungan nyo po ako.
1.kung magsampo po ako ng kaso against sa kanilang dalawa, malaki po ba ang magagastos ko kahit sa PAO(Public Attoney's Office) ako lalapit?
2.Kung makukulong po sila, pwede pa ba silang magpyansa?
3.Pwede din po bang gamitin nong mistress yong kaso namin sa barangay(trespassing at pananampal) na hindi naayos laban po sakin para idemanda din ako?kahit ilang months na rin ang nakalipas?
4.kung sakaling mademanda din ako sa trespassing, matatanggalan po ba ako ng lisensya (PRC Liscense)?
marami pong salamat at umaasa po akong matulungan nyo po ako at maliwanagan ang aking pag-iisip
April..