Namatay na po tatay namin, 5 kaming magkakapatid na naiwan niya, buhay pa nanay namin, legally married sila ng tatay ko. Yung kalahati ng house and lot ng family namin sa QC na may bakery business ay inangkin na ng panganay namin kasi daw siya na ang namumuhunan at naglabas siya ng pera nung pa-lugi na ang bakery.
Based po kasi sa napag-aralan ko dati sa tax namin nung college, dapat yung kalahati ng property ay mapupunta sa mama ko, at yung other half ay paghahatian namin equally ng nanay ko at mga kapatid since walang last will ang tatay ko. Kaso mukang hindi papayag yung kuya ko, kasi pinagawa at pinapaganda na niya yung kalahati ng house and lot na inangkin niya, yung kita ng business ay 100% sakanya, bawal kaming kumuha ng kahit ano sa bakery ng walang bayad. Nananakit siya pag kumukontra ka sa gusto niya. Yung ibang kapatid ko ay kampi din sa kanaya. Gusto ko sana ipa-settle sa korte gusto ko po sanang malaman kung magkano magagastos namin sa judicial settlement?? Thanks in advance.