Magandang araw po. Ako po si Ron. Napasulat po ako sa inyong tanggapan dahil kailangan ko po ng tulong. Wala po kasi akong mahingan ng tulong tungkol sa usaping legal. Una wala naman po akong pambayad sa attorney dahil wala akong trabaho. Hindi ko din masabi sa pamilya ko ang problema ko dahil natatakot po ako na mapagalitan. Ayaw ko din na makadagdag pa ng panibagong suliranin at pasanin sa kanila. Naiipit po ako ngayon sa isang sitwasyon at inaamin ko na nagkamali din ako ang hindi ko lang po matanggap ay napag-kaisahan po ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Ganito po kasi yon, nangyari po ito noong Dec, 2010 pa. nagfa file po ako ng application sa PRC, graduate po ako ng NURSING nagaasikaso po ako ng application para sa PRC at nagkita po kami ng aking kaklase sa PRC LUCENA po. Kumpleto po ang aking mga requirements kaso ang kaklase ko kulang po ng sedula naiwan nya sa bahay. Hindi po sya makaka pag file ng application kung nagkataon, Last Filing day na po kasi iyon. Naawa po ako sa classmate ko at kakilala din nya yung bahay na titirhan namin during the examination. May oras pa naman kaya sinamahan ko syang kumuha ng sedula sa Government Office sa LUCENA ang haba din ng pila doon, Nangangamba kami na baka hindi na kami makaabot sa pag fifile. May tinawagan sya sa telepono na ok na daw wag na kami kumuha ng sedula pero malapit na ako sa pila para sa sedula nya kaya sabi ko na kumuha na din at yun nakakuha na din ng sedula.
Dito na po nagsimula ang gulong napasok ko, Yung tinawagan ng kaiban ko sa telepono ay kamag-anak nya sa LUCENA at may kaibigan na nagtatrabaho sa PRC LUCENA. Sabi nya sa akin na wag na daw ako mabahala at aasikasuhin na daw ang aming mga papeles ng kaibigan nya, pero sabi ko wag na pumila na lang tayo makakahabol pa naman sa filing. Pero sa pagod na din namin at sa pag papauli lui dahil sa pagkuha ng sedula at nagtitiwala naman ako sa kaklase ko dahil close kami ay pumayag na ako. Pumunta kami sa PRC at binigay ang aming mga papeles at bayad para sa filing at pumasok na sa loob ang kamag-anak ng classmate ko na may kakilala sa loob mismo ng PRC LUCENA, Parang ang lumabas po ay nag FIXER po kami at kampante naman ako dahil kamag-anak naman ng Classmate ko yung nag asikaso. Bumili na lang kami ng pang merienda sa nagasikaso sa loob. Tapos noon sinabi sa amin ng kamag-anak ng classmate ko na ok na daw. Pero alam ko po na mali yung ginawa namin ng Classmate ko. Pero hapon na din at last filing day na yun ay pumayag na ako. Tutal sa kanila din naman ako titira habang nag eexam. Pagkatapos noon bumalik na kami sa Batangas at hihintayin na lang namin ang schedule ng exam.
Bumalik na kami sa LUCENA araw bago mag exam. Sinabi sa akin ng classmate ko na may problema at hindi kami makaka exam, Pero pa Joke nyang sinabi sa akin yon, So binalewala ko na lang dahil mapag biro naman talaga ang Classmate ko. Eto na nga nasa LUCENA na kami. wala kaming permit at card para sa pag exam. Sinabi ko sa classmate ko na bakit ganun? bakit wala? Tinawagan ulit nya kamag-anak nya at ang sabi ay ok lang daw, mag exam daw kami at sabihin na lang sa mag eexam na na delay ang papers sa PRC at alam na daw yun. So samakatuwid nag exam kami. Magkahiwalay kami ng classmate ko ng room, at sa unang araw ng exam ay wala namang problema. Nakapagsulit kami sa unang araw.
Sa ikalawang araw, Iba na ang nagbibigay ng pagsusulit, so sinabi ko ulit sa nagbibigay ng exam na "wala po akong maipakitang permit dahil na delay ang PRC LUCENA sa pag iisue" Kinausap ko na ang head ng mga officer regarding sa akong concern at dahil wala aking permit na maipakita. sinabi ko lahat ang angyari sa filing ng applications namin. Tapos pinatawag din ang Classmate ko dahil nagka problema din sya at nagreklamo na walang maipakitang permit.
Dahil don ay pinagsulat kami ng report ng mismong head ng PRC OFFICER at ipapadala daw ito sa PRC MANILA para matugunan ng aksyon so kampante kami na gumawa ng sulat at nilahad namin ang buong detalye. Sinabi namin ang pangalan nung Nag asikaso sa amin sa PRC LUCENA. hindi ko na po matandaan ang pangalan pero may facebook po sya. inadd ko po dahil nagkausap usap at nag kakita kita kami dahil na report sya matapos naming isumbong sya. Nagkita kita kami ng classmate ko , kamag-anak nya at yung officer ng PRC LUCENA na nagasikaso ng papeles namin sa isang restaurant, naganap ito kinabukasan matapos ang exam bago kami umalis ng LUCENA pabalik sa Batangas. Sinabi nya maayos din naman ang lahat. kaya wag ng problemahin. Pero takot na takot po ako noon at halatang nagpipigil lang sya ng galit sa amin.
Umuwi na kami kinabukasan at kampante at umaasa kaming magiging maayos ang lahat, Hindi na ako umaasang pumasa or hindi dahil sa trauma sa akin ng nangyaring iyon. Lumabas ang resulta ng exam at wala ang pangalan namin ng classmate ko so ibig sabihin hindi kami pumasa. Bale pangalawang exam ko na po ito at ang una ay sa MANILA. Tanggap ko naman po ang resulta ng exam dahil pede pa naman kumuha ulit.. Ang hindi ko lang po matanggap ay pinadalhan po ako ng sulat mula sa PRC MANILA sulat na pinapuunta ako for hearing, nakalagay doon na kinasuhan ako sa salang paggamit ng ibang permit. Ibang Permit daw po ang pinakita ko sa mga officer ng PRC LUCENA at nakalagay doon ay pangalan ng babae. Tinawagan ko po madali ang kaibigan ko kung bakit ako nakatanggap at tinanong ko kung sya din ay pinadalhan ng sulat. Hindi daw sya pinapadalhan ng sulat. Samakatuwid ay ako lang ang kinasuhan ng PRC LUCENA at feeling ko napag kaisahan po ako. Hindi ko po ito masabi sa aking mga kapatid at ina dahil takot po ako dahil ang dami na pong paghihirap na nagawa nila sa akin tapos isang gulo pa ang kinasangkutan ko. Sinabi sa akin ng kaibigan na ok na daw wag na daw intindihin ang sulat at ginawan na daw ng paraan. Wala din naman ako magawa noon dahil wala pa akong pera at trabaho noon at di ko nga masabi sa Family ko ang problema ko at hinayaan ko na lang ang sulat. Nagdaa n ang ilang mga buwan ay nagpadala ulit ng sulat ang PRC MANILA na pinapupunta ako sa PRC MANILA, tinawagan ko ulit ang kaibigan ko at ganun ulit wag ko na daw intindihin pero natatakot na po ako dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatanggap ng ganung klaseng kaso. Nagdaan ang ilang buwan at taon, Nagkatrabaho na ako bilang secretary ng isang doctor at sa ngayon ay wala na ulit trabaho at nagaalaga na lang muna ng aking pamangkin.
Ngayog araw na ito ay nakatanggap po ako ng sulat ulit mula sa PRC na kinasuhan na ako. Natatakot po ako, Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Wala na po akong ibang mahingan ng tulong. Hindi ko po masabi sa Family ko ang problema ko. Hindi na nga po nag babalak na mag exam pa para sa NURSING dahil ayaw ko na maulit ang nangyari. pero eto nga po hindi pa din tapos ang aking problema. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit ako lang ang naiipit sa gulong ito. Hindi naman po ako ang puno't dulo ng gulong ito. Pakiramdam ko ay napag kaisahan ako ng Classmate ko at ng kamag-anak nya na may kakilala sa PRC LUCENA. Ako ang inipit nila sa sitwasyon dahil wala akong kalaban-laban, Wala akong trabaho at pambayad sa abugado. Mayaman po kasi ang classmate ko at ang pamilya nila ay angkan ng mga seaman, kaya ang pakiramdam ko ay ako ang pinagkaisahan. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Ito lang po ang tanging paraan na naisip ko. Sana po matulungan nyo ako sa problema ko. Inaamin ko din naman ang aking pagkakamali, pero ang baligtarin ang katotohanan ay hindi ko matanggap at paano nangyari iyon na kasuhan ako sa salang paggamit ng ibang permit gayong gumawa ako ng Report at pinasa mismo namin sa head officer ng PRC LUCENA at alam din nila na wala naman akong maipakitang permit tapos ang kinasuhan nila ako na ibang permit ang ipinakita ko sa kanila.
Hindi ko na po alam ang gagawin ko .. Nais ko po sanang maging pribado ang aking pagkatao kung kinakailangan, dahil natatakot po ako na malaman ng family ko ang problemang kinahaharap ko.
Marami pong salamat sa pag dinig nyo ng aking suliranin, at umaasa po ako na matulungan nyo ako sa aking problema, Kung ano bang nararapat na sulusyon ang kinakailangan.