Please help us.
Ang kuya po ng hipag ng nanay ko ay nagfile ng reklamo sa aming brgy. ng paninirang-puri. nagharap po sila sa brgy. nung Dec. 6, 2012 para dun at wala pong nagyari kasi puro po hinanakit lang ang lumabas sa bibig ng nagrereklamo sa nanay ko. Marami po siyang sinabi na sinabi daw ng nanay ko na masama laban sa kanila at sa kapatid niya kaso wala po silang ebidensiya na nasabi nga nya yung mga bagay na binanggit niya. At sigurado po ang nanay ko na wala siyang sinabi sa mga inaakusa sa kanya. Masyado pong nilait ang nanay ko sa harap ng lupon at may mga pagbabanta pang sinabi. Masyado pona mataas magsalita ang nagrereklamo. Wala pong nangyaring amicable settlement kasi napakaimposible po ng demand ng nagrereklamo. Ang gusto po nya ay huwag ng makialam sa buhay ng kapatid nya at ng bayaw nya ang nanay ko. Dito po masyadong broad kasi gusto po ng nanay ko ay i-specify kung ano yung pakikialam na gusto niyang tumbukin kasi nga po kapatid po ni mama ang asawa ng kapatid ng nagrereklamo. Ang gusto pa po nya ay mag-apologize ang mama ko sa kanya, ngunit ayaw po ng mama ko kasi wala siyang nagawang mali para mag-apologize. Willing pong mag-apologize si mama for the sake na matapos na usapin pero ang gusto po ni mama ay mag-apologize din ang nagrereklamo sa kanya sa mga nabanggit niyang panlalait at pambabastos. Ngunit ayaw po ng nagrereklamo na mag-apologize dahil wala naman daw siyang ginawang mali. Willing daw po siyang mag-apologize kung aaminin ng mama ko lahat ng binibintang niya. Hindi po pumayag ang mama ko kasi po mali po na aminin niya ang hindi naman niya ginawa. Ngayon mayabang po yung nagrereklamo na humingi siya ng endorsement para ifa-file niya sa bayan yung kaso. Ngayon po nakatanggap po si mama ng invitation for confrontation from the PNP sa bayan namin sa Dec. 10, 2012. Nirecord po namin lahat ng napag-usapan dun sa naganap nung Dec. 6, 2012 sa brgy namin via voice recorder ng cellphone namin kasi nakita po namin na hindi nag-take-down ng notes ang lupon secretary. Maririnig po lahat ng panlalait at pag-aalipusta sa nanay ko na pinapakadiin na mahirap lang kami at sila may kaya. Kung maririnig niyo lang po, makikita niyo sa tono niya na parang walang kakayahan ang nanay ko at pamilya namin na magkaroon ng pera. Puro panlalait lang po ang maririnig imbes na patunayan niya ang mga bintang niya sa nanay ko.
Masyado pong napahiya ang nanay ko at pamilya namin sa mga panlalait niya na may patunay kami dun sa voice record namin.
Kung pwede po sana matulungan niyo po kami kung ano ang magandang gawin namin dahil masyado na pong naiistress ang mama ko dito dahil ngayon lang po namin naranasan ang ganito. At wala rin po kaming sapat na pera para gamitin sa pagtatanggol sa nanay ko.
maraming salamt po in advance sa mga magbibigay ng tulong at advice!