Meron po akong smoker na guy officemate. Ako lang po mag-isa sa airconditioned room. Minsan pong dumaan sya sa harap ng table ko ay sinabihan ko po sya na "Mister, ang sigarilyo mo," dahil po masakit sa dibdib ang nalalanghap ko na usok ng sigarilyo nya. Lumabas po sya sa opisina at isinara ang pintuan ngunit nagulat po ako ng biglang bumukas ulit ang pinto at nanggagalaiti po ang kanyang boses, as in full volume po, na nagmumura para marinig ng lahat na nasa labas. Ang sinabi po nya ay ganito: "Hijodeputa kang lintik ka! Parang donya ka kung makaasta ka dito sa opisina!" Sinagot ko lang po sya na "sinasaway lang naman kita dahil sa usok ng sigarilyo mo!" Ilang beses pa po nyang inulit ang mga mura nya na yon at pati ang manager namin ay narinig lahat ng sinabi nya. Inakbayan lang po sya ng manager namin palabas na parang pinapatigil po sya. Two days after po ay kinausap ko ang manager namin na gusto ko pong ireklamo ang officemate na yon. Ang sinabi lng po ng manager namin ay paghaharapin kaming dalawa at kung hindi kami maareglo na dalawa ay bahala na raw kami. Ano po ang dapat kong gawin? Nasa consumer-services po kami at may nakarinig din pong mga consumer during that time na ginawa nya yon at natatakot po ako na baka ulitin nya ang ginawa nya.
Free Legal Advice Philippines