Hi Sir. I would like to ask for some advices. Way back 2005, nanghiram po ako ng pera sa pinsan ko na nasa States for P20k. After more than a year, tinatanong ko siya kung pwede kong bayaran ng paunti-unti. Sabi niya, wag ko na daw bayaran. So ok na po sana. Umuwi po sila dito sa Pinas na buong family. Last January 2011, nagsabi ang pinsan ko na bayaran ko na lang daw. Nag-start akong magbayad ng P1k nong February 2011. Nahinto po ang pagbabayad ko dahil wala pa akong pambayad. By April, nag-message sa akin sa YM ang asawa ng pinsan ko at siya na ang naniningil. Gusto niya bayaran ko ng buo. Ang sabi ko, hindi ko kayang bayaran ng buo. Ang kaya ko lang is P1k per month pero hindi ako papalya. Sabi niya, masyado daw maliit, gawin ko raw P2k or P3k AT MAPIPILITAN daw siyang lagyan ng intrest. Sabi ko, bahala siya. Hindi na siya sumagot at ang sinagot na lang niya e ang acct details kung saan ko pwedeng i-deposit ang pera. Wala siyang sinabing interest kaya in-assume ko na hindi na niya pinatungan ng interest. So hinulugan ko po ito every month ng P1k. And 3rd quarter last year, nag-start siyang magpahiram ang asawa niya sa area namin. At until mabuo ko siya last September of 2012. So tinago ko po lahat ng mga deposit slips para may proof ako. At nong nabuo ko na, nag-message ako sa YM ng buong details ng payments ko at sinabi kong bayad na ng buo ang P20k. Hindi sila sumagot parehong mag-asawa. Then two weeks ago, nakasalubong ko iyong asawa ng pinsan ko at hindi daw ako naghulog for October and November. Sabi ko, nabuo ko na ang P20k. Ang sabi niya, interest pa nga lang daw ang hinuhulog ko. Sabi ko, wala naman siyang sinabing interest nong last na mag-usap kami. Sabi niya 10% daw ang patong niya every month. Sabi ko, nong hiniram ko iyan, pinsan ko ang kausap ko. Nong siningil niya ako, pinsan ko pa rin ang kausap ko at wala siyang sinabing interest. Ngayon naman, ikaw na ang kausap ko. Ang sagot lang po niya ay "ako na ang kausap mo ngayon!" Ang sabi ko na lang po, i-email niya sa akin ang sinasabi niyang terms kasi po gusto kong makita in a document kung ano ang sinasabi niyang terms para may ebidensya ako na ngayon lang siya nagsabi ng interest. Hindi po siya nag-email so after more than 2 days na walang email. Ako po ang nag-email sa kanya detailing the payments made and iyong last conversation namin sa messenger na wala siyang binanggit na interest rates. Kaya hindi ko babayaran ang interest na sinasabi niya dahil ngayon lang niya sinabi. Then sumagot po siya na interest pa lang nababayaran ko at 10% of rate niya so sa halip na 10%, papayag na raw siya ng 5% + the principal amount. So lumalabas po, buo pa iyong P20k. Gusto po niya na bayaran ko ang principal na P20k plus 5% ng 20k which is P2k. nag-final answer na po ako at in-explain ko ulit na wala kaming usapan noon ng pinsan ko at hindi siya ang hiniraman ko. At wala rin siyang sinabing interest nong time na iyon kaya alangan naman pong bayaran ko ang amt na hindi ko alam kung magkano dahil sa interest. At ang point ko po e bakit niya ako sisingilin ngayon ng interest na hindi ko alam kung magkano kung kelan nabuo ko na ang P20k. At ang sagot lang po niya sa email ko, "may utang ka pa ngang P22k. ano iyon, utang na walang interest? AYUS AH!" Hindi ko na po sinagot ang email niya.
Eto po sana ang mga tanong ko. 1) Tama po ba na siya ang umaktong kausap ko ngayon sa halip na ang original na taong hiniraman ko? 2) Tama po ba na maningil siya ng interest after na mabuo ko ang pera? 3) May kaparatan or habol po ba siya para kasuhan ako sa ganong sistema niya? 4) Kung wala pong kasulatan na nagpapatunay na may hiniram ako sa kanila at wala rin pong kasulatan na may interest, makakasuhan po ba ako kahit binarayan ko ang principal amount na P20k? 5) Harassment po ba ang ginawa niyang paniningil sa akin sa gitna ng kalsada at pwede ko po ba siyang ireklamo ng usury?
Pasensya na po kayo sa haba ng sulat ko at nagpapasalamat po ako sa kung anumang tulong at advise na maibibigay ninyo. Umaasa po ng inyong sagot. -- legalities1031