Gusto ko po sanang magkaron ng idea kung anong possibilities after naming magfile ng case against an old person (around 60 years old) na bumaril sa husband ko. May dati na pong di pagkakaunawaan pero di namin inexpect na aabot sa barilan. Yung suspect po eh nag-aamok paglasing. Nung araw po na nangyari yun, graduation party ng kapitbahay so andun yung husband ko. Kasisimula pa lang nila nung humalo sa kanila yung suspect kasama yung kaibigan nyang kapitbahay din naming may baril. Pumwesto sila sa likod ng mister ko at binaril ng suspect ang mister ko. Sa ulo itinutok pero sa awa ng Diyos, sa tenga lang tumama ang bala. Bukod sa mister ko, tumama din yung same na bala sa isa pang bisita. Tumama ito sa hita nya. Nagpamedico-legal kami, pinacheck yung baril at confirmed na pag-aari nung kasama nyang kapitbahay. Nung lumabas ang resolution sa piskalya, dismissed yung may ari ng baril at yung suspect lang ang makakasuhan dahil wala daw sapat na evidence to prove na magkasabwat sila. Right now, nasa court na po ang case. gusto po sana naming malinawan kung:
1. Posible bang pati yung bumaril eh madismiss din pagdating sa korte? Hindi man lang ba pupwedeng bumaba lang to physical injuries?
2. Talaga po bang walang liability yung may-ari ng baril samantalang pananagutan nya yung baril na yun?
3. Yung 2 po sa 4 naming witnesses eh alangan ng umattend dahil takot din sa suspect na nasa street lang din namin. Enough na po ba yung medico-legal at 2 pang witnesses para sa kaso?
4. Kung madismiss po ang kaso, wala na po bang ibang options?
Salamat po in advance at sana'y marami pa kayong matulungan. God bless!