Yong trabaho ko po ay kalimitang tumatagal ng mahigit sa 8 oras bawat araw at pamapatak po ng mahigit sa 12 oras ang excess oras ko sa isang 15 days pay period.
Dahil po dito, kinausap ko ang aking supervisor na sana man lang e bayaran yong excess hours ko sa overtime. Ang sagot po nya, wala daw syang pakialam kong ilang oras ang excess ko dahil ang trabaho ko daw po ay tapusin iyon sa loob ng 8 oras. Kahit daw 24 oras akong magtrabaho walang bayad ang excess. Naka log naman po ang in and out ko sa computer time sheet ng kumpanya. Pagdating ng payroll period po, tinatanggal nya ang excess hours at nagpapadala sya ng revised hours ko sa pamamagitan ng kanilang tinatawag na "Add/Deduct" procedure.
Tanong ko lang po, wala po ba akong karapatang pabayaran ang mga kinaltas nilang oras? Ang waiver po bang pinirmahan ko ay syang panangga nila na wala akong karapatan sa OT pay?
Salamat po.