Hello to all Moderators.
i want to share my story here at sorry po dahil may pagkahaba.
i am just a 13 years old at ngstop po ako ng pag-aaral sa high school. dapat 2nd year na ako ngayon pero nung june 29, 2012 umalis ako sa bahay ng lola ko dahil sa kadahilanang hindi ko na talaga matiis ang pananakit at panghihigpit ng aking lola sa akin at ang pangingialam ng aking mga pinsan at tito at tita ko.hiwalay po ang mga magulang ko at may mga iba na silang pamilya. apat po kaming mgkakapatid at ako ang bunso. yung kuya ko po na panganay ay may pamilya na at yung pangalawa kong kapatid ay nasa custody ng aking lola kasama ko, at yung pangatlo na kapatid ko yung ate ko ay sa custody ng aking tito na kapatid po ng papa ko.
mahigit tatlong buwan po akong hindi ngpakita sa lola ko at walang nakakaalam kung nasaan ako. kusa po ako umalis sa aming probinsya sa tuguegarao city at kusa din ako lumapit sa mga kaibigan ko para humingi ng tulong na kung pwede tumira muna ako sa bahay nila pansamantala sa isabela cagayan at manila.
sa tatlong buwan na yun kung sino-sino po pinaghihinalaan ng pamilya ng lola ko na ngtago sa akin kahit hindi naman makatotohanan. ang masaklap pa dun ngfile sila ng blotter sa isang malapit kong kaibigan na may negosyo na internet shop na malapit lang sa bahay ng aking lola at sya ang dinidiin na ngtago daw sa akin kahit hindi naman totoo at tumulong pa sa paghahanap sa akin.
ngayon po na nakabalik na ako sa aming probinsya ayaw ko ng bumalik at tumira pa sa bahay ng aking lola. Pwede po ba akong mgdecide kung saan ko gusto tumira dahil ayaw ko na talaga sa pangangalaga ng lola ko? Umabot pa sa DSWD ang kaso ko pero yung isang staff sa dswd, pinapanigan nya ang side ng lola ko dahil sa mga sumbong nila at maling paratang nila sa kaibigan ko na 31 years old babae din, wala pang anak at asawa at sya po yung may negosyo na internet shop kung saan ko gusto tumira sana habang inaayos ko ang grades ko sa school.
isa pa po tinatakot nila ang kaibigan ko na pwede daw nila sya kasuhan ng kidnapping dahil daw sa edad ko na 13 at pinagbabawal po nila na pag pumunta daw po ako sa internet shop nya ay paaalisin nya daw po ako, yung isang staff pa sa dswd ang mismo ngsabi sa kaibigan ko na paalisin ako. na ang totoo ay wala sya kinalaman sa pagkawala ko at kung saan ako tumira.
nagkataon po kasi na ngpunta yung kaibigan ko sa manila nung september dahil po ay inayos nya ang credentials nya sa school at papers nya papuntang abroad at ngkataon din po na nung umuwi sya pabalik sa aming probinsya ay yun din po ang araw ng pagkauwi ko bale kung anong panghihinala po ang ginawa sa kanya at lalo pa syang binalotter, dinidiin at pinaparatangan ng mga kwento na hindi makatotohanan.
saka bago po ako lumuwas ng manila para umuwi ng tuguegarao city ay kinontak ko muna ang dalawa kong nakakatandang kapatid at yung kaibigan ko na may internet shop na kusa ako nakiusap na kung pupuwede sa kanya muna ako tumira at sinabi po ng kaibigan ko na "ok lang basta magpaalam ka ng maayos sa pamilya mo". sinabi ko po sa kanila through text at tawag na uuwi ako ng tuguegarao pero ayaw kong bumalik kay lola at sinagot naman nila ako ng "oo kami ang bahala kay lola basta umuwi kana".
nung dumating na po ako sa terminal ay ngpsundo ako sa ate ko, sa biyenan ng tito ko at sa dalawa ko pong kaibigan at inihatid nila ako sa bahay ng aking tito. nglakas loob ako na kausapin po ang tito ko at ngpaalam ako sa kanya na sa internet shop ng kaibigan ko ako titira at ang sagot nya po ay " ikaw ang bahala, kung alam mong nakakabuti para sayo pero pag nag away kayo ng sinasabi mong kaibigan, babalik at babalik ka sa iyong pamilya tandaan mo yan. pumunta ka muna sa lola mo".
ginawa ko naman po ang pgpunta sa lola ko para mgpaalam ng maayos na sa internet shop ng kaibigan ko po ako titira at tinanong pa sya ng lola ko, tinanong po sya kung sino kasama nya doon at kung ilan ang kwarto sa shop nya at sinagot naman sya ng kaibigan ko na sya lang ang nakatira duon at dalawa daw po ang kwarto bale pumayag po ang lola ko, sinabi pa ng lola ko sa kaibigan ko na wag daw nya ako palalabasin.
sa 4 days na pagtira ko sa shop ng kaibigan ko, meron pong biglang ngpunta na tanod sa internet shop at sinabi nalang po na ipinapatawag kami ng barangay captain ng 2 pm. nung ngpunta na kami sa barangay hall, andun na po ung kapitan, lola ko at tatlong kapatid ng lola ko. at pinipilit nila ako kunin at pauwiin sa bahay ng lola ko at ngdeny pa yung isang kapatid ng lola ko sa harapan namin lahat na hindi ko daw po nakausap ang tito ko nung tinawagan nya at wala daw sinabi ang tito ko. na ang totoo ay ngkausap naman talaga kame ng tito ko. tapos po sinabi din na hindi daw pumayag ang lola ko. sabi pa nila sa kaibigan ko sa harapan pa ni kapitan na paalisin nya ako sa shop nya, at sinagot naman sila ng kaibigan ko "sige ora mismo papaalisin ko sya sa shop kung yan ang gusto nyo. hindi porke nagpunta ako ng manila ay magkasama na kami".
pinagbintangan pa sya na tinuruan daw po ako at binerainwash. mali po ang mga bintang at paratang nila sa kaibigan ko. kaya sa galit ko at sama ng loob ko, sinabi ko sa kanilang mga harapan na kung papaalisin lang din naman nya ako ay babalik nalang po ako sa manila, yun ay hindi sila pumayag dahil daw po baka kung ano-ano daw po ang gagawin ko.
gumawa pa ng agreement ang kapitan na sa kaibigan na muna ako titira at pumirma ako, lola ko at kaibigan ko dahil yun na ang pinagkasunduan pero yung isang kapatid ng lola ko mapilit at sinabi po na sa DSWD nalang. kaya yun po umabot po sa DSWD at nung kinausap po ako nung isang staff dun ay sinabi ko sa kanya lahat ng mga ginawa ng pamilya ko sa akin, lahat po ng problema ko pero yung isang staff kinakampihan nya po yung side ng lola ko dahil nga po sa mga maling paratang sa kaibigan ko.
nung umiyak pa nga ako sinabi nung staff na kumampi sa lola ko na wag daw ako umiyak dahil hindi daw ako kaawa awa. at sinabi pa na yung pananampal, pagkaladkad , panghihigpit ay hindi daw po maltreatment, kasama daw po yun sa pangdidisiplina. bale pangatlong layas ko na po nung june 29, 2012. hindi ko naman po magagawa ang bagay na yan kung walang dahilan.
bale binigyan ako ng 4 days ng dswd na sa custody po muna ako ng lola ko at mgfocus daw po ako sa pamilya pero sa totoo lang po ayaw ko na talaga tumira kay lola. ngayon po pinagbabawal pa nila pati mga kaibigan ko at communication sa kaibigan ko na may shop. after po ng 4 days ay mgharap-harap muli kami sa barangay hall sa aming barangay para malaman ang desisyon.
sino po dapat ang mgdesisyon pagkatapos ng 4 days na pag stay ko sa lola ko? ako po ba o ang dswd? at ano po ang pwede kong gawin para mailagay sa safe ang kaibigan ko at ano pong hakbang ang gagawin ko kasi ayaw ko na talaga sa lola ko? pwede po ba ako tumira sa kaibigan ko yung maging legal po? Sana matulungan nyo po ako kaysa umalis na naman ako uli ng probinsya namin at hindi na mgpapakita pa uli sa lola ko at mga kapatid ko.