Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Fraud that landed to Syndicated Estafa

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Fraud that landed to Syndicated Estafa Empty Fraud that landed to Syndicated Estafa Thu Oct 11, 2012 11:35 pm

jessnvr


Arresto Menor

Good Day!
Isa po akong ordinaryong employee in one of the biggest company in the Philippines. may kaibigan po ako for 11 years na naging business partner ko noong 2008. Pero dahil kulang sa pondo, sinara namin ang company. Noong 2009, binalikan nya ako at sinabing okay na daw ulit siya financially. Noong 2010-2011, may mga ipinakilala siyang mga tao na bago daw nya business partner. Isinama nya ako sa mga travel abroad nila na all expenses paid.
Sometime mid 2011, isa sa mga business partner nya ay magkwento sa akin na nagtatalbugan na daw mga tseke ng friend ko at malaking halaga na daw ang nakukuha sa kanila na hindi na naibabalik sa kanila as promised. Naipit daw sa stock market. They asked my help to talk to my friend dahil hindi na daw sinasagot ang mga tawag nila. I did my part to help them knowing its the right thing to do. Nagkakausap naman sila at minsan naisasama pa ako pero hindi ko naririnig ang transactions nila because i was always on the other table.

Noon din pong 2011, pinuntahan ako sa office ng friend ko at nagpasama sa akin para mag open ng checking account para daw sa business namin na bubuhayin na nya ulit. So dalawa kaming signatory sa checking account. After a week, pumunta siya sa bahay namin at pinapirmahan ang isang booklet ng blankong tseke sa akin, ipambivili daw nya ng mga kotse dahil marami na daw may order sa kanya. I asked him why blank? Sabi nya, ipapa machine pa daw nya kasi yung mga name na iisyuhan. Since I know na ganun nga mga tseke nya, pinirmahan ko yung blank checks.

After a week, pumunta sya sa akin at sinabihan ako na isasara na nya yung checking account namin dahil wala naman daw nangyayari.

Now finally, noong December 2011, i received a call from another friend and told me na isinama ako sa demanda laban sa friend ko at may ilang tseke na naissue na may pirma ko.

I also received some calls and text messages from different persons na nakakatakot ang mga messages. Dahil sa takot at kalituhan, umalis kaagad ako ng bansa. Noong April, sinabihan ako na may warrant or arrest na daw ako at nahuli na yung friend ko. Medyo may posisyon sa gobyerno yung nagdemanda sa amin at mayayaman. Syndicate Estafa po ang kaso. Wala po akong alam na transactions ng mga nagsampa ng kaso laban sa akin at hindi ko rin po alam na napakalaking halaga na ng kanilang stock market dealings. Nung nagka problema na lang po sila, tsaka na lang nila pinaliwanag na ganoon na kalaki ang problem nila. Ngayon, paano ko patutunayan na inosente or hindi ako kasali sa panloloko sa kanila noong kaibigan ko at paano ko patutunayan na biktima dn po ako dito?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum