meron po sana akong gustong isangguni po..ano po ba ang pwede kong ikaso sa isang tao palagi po akong pinariringgan na kesyo praning daw ako, baliw daw po ako, at boang daw po ako na wala naman po syang proof na may pyschological problem ako..ang masakit pa po nito, ipinagkakalat o itsinitsimis nya sa ibang tao ang ganung salita..sobra na po akong nasasaktan dahil almost araw araw nyang binabanggit ang ganong salita..nahihiya na po akong lumabas ng bahay dahil sa tingin ng mga tao sa akin..
ano po ba ang dapat kong gawin..?
ang pinag ugatan lang po nang aming matinding away ay simpleng mis interpret..kinomfront ko na po sya ng isang beses at nagkaron kami na agreement na wala ng batuhan na masasakit na salita o kahit parinig lang..pero after few days po, nagsimula na naman po syang magsalita ng masasakit sa akin.kaya hindi ko na po kinaya..kaya po humihingi po ako ngayon ng inyong advice kung ano po ba ang dapat kong gawin?
hihintayin ko po ang inyong sagot
maraming salamat po..