Ako po ay sumulat sa inyo at nagbabaka-sakali na ako'y inyong
matulungan. Tungkol po ito sa aking sasakyan na ni-loan po sa isang
banko sa Malabon noong December 2009 at maluwalhati sanang matatapon ngayong November 2012.
Nagsimula pong lahat ang problema noong Agosto 7, nang bayuhin
ng HABAGAT ang Metro Manila. Isa sa matinding naapektuhan ang Malabon
City. Isa po ang barangay namin ang lubhang nasalanta.
Umabot po hanggang 6-7 ft ang baha sa harapan ng aming bahay. Sa
madaling salita, yung sasakyan na hinuhulugan ko ay kasamang lumubog.
Tatlong (3) araw na nakalubog at nakababad yung sasakyan at nadala ko
lamang sa Toyota North Edsa nung Agosto 10, 2012.
Tinawagan ko ang Branch Manager ng bangko para asikasuhin
na ang Comprehensive Insurance na may Acts Of God para maisagawa agad
ang mga dapat ayusin sa sasakyan. Ang sabi nya sa akin, tumawag ulit ako
ng Lunes, Agosto 13, 2012 para makuha nya ang Insurance Policy sa Head
Office ng kanilang bangko.
Dumating ang Lunes at ako ay umaasang makukuha na ang Insurance
Policy para maiayos na ang sasakyan. Ngunit laking gulat ko ng sabihin
ng Branch Manager na walang Insurance ang sasakyan na patuloy kong
hinuhulugan sa kanila." Paano 'ka ko nangyari yon, "technically" , sa
kanila pa yung sa sasakyan? ". May binigay siyang mga pangalan ng taong
pwede mag verify ng nangyari. Tinawagan ko ang mga ito at sa bandang
huli ay sinabihan ako na sila ay nage-mail pa noong March 2012 sa Branch
Manager para i-renew ang Insurance Policy ngunit ito "daw" ay hindi
binigyang pansin ng Branch Manager.
Nagbalik ako sa Branch Manager para siya ay usisain pa. Tinanong
ko sya kung totoong may natanggap syang email sa Head Office. Oo nga daw
at meron at ito'y kaniyang nakalimutan na sa dami ng kaniyang trabaho.
At kahit daw naman ito'y kanyang nakalimutan, automatic naman dapat ang
pag renew nung Insurance dahil ito'y pag-aari pa ng bangko.
Ang lahat ng ito ngayon ay aking dinulog sa Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP). Patuloy ang palitan ng paliwanag tungkol sa nangyari sa
pagitan ko at ng bangko habang ang aking sasakyan na hanggang ngayon ay aking hinuhulugan ay nabubulok na sa garahe ng Toyota.
Maayos naman ang pag asikaso ng BSP, ngunit hindi po mawala sa
isip ko na ang nalaking bankong tulad nila, isa sa mga may sinabing commercial banks sa Pilpinas, ang aking nirereklamo. May legal na basehan po ba ang reklamo ko.? maraming salamat po!