kung january nasamapahan ka sa prosecutor, approximately 1 year matatangap mo ang resolution (assuming umaattend ka pag pinapatawag ka ng piskalya).
now, kung hindi ka umattend (gaya ng sabi mo), 6mos lang may resulution ka na. kasabay ng resolution ang information (saang branch, magkano pyansa, etc). laha ng ito ay dadating sa address mo (kung tama ang address mo nung idinemanda ka nila sa piskalya).
kung tama ang address mo at wala kang natanggap na notice, hintay hintay ka lang konti. hindi kasi automatic na nadidismiss ang kaso. laging may sulatang mangyayari. at lagi ka dapat informed. pwede ka pa ding kumuha ng nbi ng malinis na record.
kung mali naman ang address mo, maaaring may notice ka, at nasampahan ka na sa korte pero hindi mo lang alam. in this case, nasa wanted list ka, at kahit police pag nakita ka ay pwede kang arestuhin (syempre lalu na sa NBI).
kung may abogado ka naman, pwedeng sya ang kumuha ng impormasyon sa piskalya para hindi ka makita ng sa ganon ay hindi ka damputin basta basta.