Hello Atty, ang problema ko po ay nagpautang ako ng halagang 300K na may interest na 10% kada buwan. Ginamit ito pangpuhunan sa negosyo ng umutang sa akin. May kasulatan kami tungkol sa loan at naka notarize ito. Meron din akong mga post dated checks ng kabayaran nila. 3 months lang nakapagbayad ang nangutang sa akin at sinabi nya na bigyan daw sila ng time kasi mahina ang negosyo. Lumipas ang 3 buwan hindi paren sila nakapagbayad, diniposit ko na ang mga post dated checks nila at lahat ay tumalbog na. Nung mga panahon na ito, hindi ko na sila matawagan. Sinubukan ko din puntahan sila sa bahay pero wala na sila doon at hindi ko na sila makontact. After 5 months, nagtxt ulit sila sa akin at sinabing huwag ako mag alala at hindi nila nakalimutan ang obligasyon nila sa akin. Napanatag ang loob ko nung mga panahon na iyon dahil umaasa akong mababayaran ako or kahit mabalik lang ang perang pina utang ko. Ngayon po ay hindi ko nanaman sila macontact at hindi ko alam kung nasaan sila. Ano po ba ang pwede kong gawin? Meron pa akong mga checke na hindi pinasok sa bangko kasi tumalbog na yung mga nauna, mas maganda bang ipasok ko din yun kahit tumatalbog? Dapat ko ba silang kasuhan ng estafa?