ask lang po ako tungkol sa property na gusto ko po sanang bilhin. meron po syang title at plan. pero ung name po na nasa title at plan ay deceased na po. binebenta po sa kin ng mga anak. ang tanong ko po ay kung anu ano po ba ang kailangan kong i-secure to make sure that i'm not being scammed and that the transaction is valid. gusto ko rin po sanang malaman kung anong steps ang kailangan kong gawin para walang mag co-contest or hahabol sa lupang ito.
nabasa ko po sa title na walang ibang pwedeng mag may-ari ng lupang eto except sa mga taong covered ng conditions na nasa title. may chance po bang mailipat ito sa akin in the event na bilin at bayaran ko po ito?
any information will be highly appreciated. maraming salamat po in advance.