this is our situation:
My mother died with colon cancer last Dec. 2009..nagkaroon naman po ng karelasyon ang tatay ko nung february 2010 wherein itinira nia ito sa isang apartment at yung ibang gamit po na dinala nia para sa kinakasama nia ay galing pa dito sa bahay namin. Dalawa po kaming anak nia ng nanay ko at kasal sila noong 1984. Yung land title po ay primarily nakapangalan sa tatay ko pero nakasign din po doon ang nanay ko..Di pa lang po namin nareport sa BIR hanggang ngayon na patay na ang nanay ko..Meron po si Tatay 3 land titles and isang sasakyan na nakapangalan sa kanya at nabili po nia ang mga iyon sa loob ng marriage nila ng nanay ko. (hawak ko po ang mga land titles at rehistro ng sasakyan)
Gusto po sana naming magkapatid na maprotektahan ang rights namin sa 3 land titles (2 po ay may nakatayong bahay) at sasakyan. Di pa naman po sila nagpapakasal noong kinakasama niya ngayon pero di ba po pag nagkaanak sila ay magkakaroon na rin ng rights yung magiging anak nila kahit dun sa mga titulo at sasakyan na naipundar ng nanay at tatay ko?
Maaari na po ba namin irequest sa tatay namin na ilipat na sa amin ang mga properties na naipundar nia noong nagsasama pa sila ni nanay? ano po ba yung mga steps na maaari namin gawin at gaano po ito katagal dahil nag-aabroad din po si tatay pero ngayon po ay nandito sya sa Pilipinas.
Maraming salamat po at sana po ay matulungan nio kami..