Pwede po bang sampahan ng kasong oral defamation ang taong nagkakalat ng chismis? Ganito po kasi iyon, ipinagkakalat kasi ng aking bilas na ang pera daw namin ng asawa ko ay galing lang sa tiyuhin namin at malaki daw ang utang na loob namin dito. Sa totoo lang po wala namang ibinigay sa amin na pera yung tiyuhin namin, bigay po sa akin ng kapatid ko iyon at salary loan ko sa office. Ang masama pa ay ikinukwento nia ang buhay naming mag asawa kahit sa mga taong di namin kilala. Ano po kayang pwedeng gawin para maturuan siya ng leksiyon?
Free Legal Advice Philippines