Hello good day attorney,magtatanong po ako sa problema ko,i was married last 2008 with my husband ,wala po kaming marriage license nun kase biglaan po yun,may two kids na po kami that time,kaso dumaan po mga araw at buwan nagda drugs po sya at binubogbug nya po ako sobra sobra pa ang kahihiyan na inaabot namin sa kalugar namin.Lagi ko din po sya nahuhuli nag da drugs sa bahay namin,hindi din po sya nag iintrega sakin ng pera,at ako po ang pinapadiskarte nya ng pera.Noong taong 2010 po ay nagdesisyon akong hiwalayan na po siya dahil hindi ko na po talaga kaya,naiwan po ang mga anak ko sa kanya dahil wala po ako permanenteng titirahan.Nung nagkaron po ako ng pera ay kinuha ko na po ang mga anak ko ang panganay ko po ay pinag aral ko magisa at wala siyang suporta sakin.Kaso ang problema po ginugulo nya po ako at hinihingian ng pera lagi.Naaawa po ako sa mga anak ko kaya ayaw ko po ng gulo.Minsan po pinagdadamot nya ang bunso kong anak.Pero nitong nakaraang magpapasukan po ay kinuha ko ang bunso kong anak dahil pag aaralin ko.Meron po akong kaibigan na tumutulong sa akin.Pero hindi pa po kami nagkikita.Ngayon pinagbibintangan nya po ako na kakasuhan nya daw ako adultery pero wala naman sya ebidensya.Hinaharass nya po ako para magbigay ako ng pera sa kanya.Napapagod na po ako sa ginagawa nya sa amin ng mga anak ko.Tinatakot nya po ako palagi.Wala po siyang ibinibigay sa akin kahit piso para po sa suporta sa mga bata.Kailangan ko po ng payo kung ano po ang dapat kong gawin.