UNA: mgbigay ng letter n interesado ka sa tax refund
IKALAWA: iprisinta ang iyong payslip pra sa taong iyon upang mging basehan na ikaw ay talagang may refund na makukuha
IKATLO: kailangan mong mgpakita ng sarili mong computation para mapatunayan mo na entitled ka sa refund
wala naman po sanang problema sa mga gusto nila mangyari ngunit, ngpalabas sila ng memo na ito noong pebrero na. marami na po sa amin ang nakawala ng payslip [na ubod ng liit]. ang sabi ng HR sa taong 2011 ang makakakuha lamang ng refund ay yung hindi nakabuo ng isang taon sa kumpanya. ang sabi sa amin ng kami ay nagkaroon ng meeting kailangan lang ng letter dahil hindi lahat ay interesado sa tax refund. MAAARI BA UN? HINDI BA DAPAT AUTOMATIC NA YUN? BAKIT KAILANGAN PA NAMIN MGPROVIDE NG LETTER AT COMPUTATION?
marami sa mga kumestyon sa kanila ang pinag-initan nila at ginawan ng kung ano-anong kaso. kaya ang iba ay napilitan n lamang umalis dahil hindi na maganda ang pakikitungo ng mga team managers sa kumpanyang to lalong lao na ang mga HEAD sa HR.
BACK PAY, ang isang empleyado ba ay dapat makatanggap ng back pay? dahil sa kumpanyang to kahit limang taon ka n ngtrabaho dito, wala ka makukuha na back pay. ang pinakaback-pay mo lang ay yung trinabaho mo 10 araw bago ka mgresign.
ano po ba ang mga nararapat gawin ng mga currently employed sa kumpanyang ito? at para sa mga ngresign na at nakapirma na ng quit claim may habol pa po ba sila?
maraming salamat po