here are some facts about my family:
-my parents are first cousins
-ang mga nanay nila ay magkapatid; ang mga tatay nila ay hapon
-ang mga lola ko ay galing sa mahirap na pamilya sa ilocos sur
-elementary lang ang natapos at dito na sa maynila nagdalaga
-hindi daw sila mga comfort women dahil nameet nila ang mga lolo namin before the war
-my parents were both born on the year 1941 (war babies)
-pinatawag ang mga lolo ko sa japan at pagbalik dito e mga sundalo na sila
-ung lolo ko (takechi uehara) sa fatherside ay walang iniwang docs sa asawa nya
-ung lolo ko (tokufu omine) naman sa motherside e iniwan ung japanese passport nya and some family pictures and naiparegister nya sa japan ang nanay ko
-na-assign ang mga lolo ko sa magkakaibang probinsya at parehong hindi na nakabalik
-hindi ginamit ng mga lola ko ang mga surnames nung mga lolo ko
-ung tatay ko ginamit nya as middle name ung uehara sa mga school records, passport & other docs nya (ANTONIO U. BITENG)
-ung nanay ko hindi nya talaga ginamit instead she uses the surname nung kalive-in nung lola ko (LILIA B. DEL ROSARIO)
-ang reason nila ay natakot ang mga lola ko na baka saktan sila nung mga kababayan natin na galit sa mga hapon
-so ang name ko ay ARISTOTLE R. BITENG di ko nga alam paano naging "R." lang ang DEL ROSARIO e
-gusto sana naming magkakapatid (5 kami, pang-4th ako) makapagtrabaho sa japan
-nagpunta ako sa japanese embassy at nirefer naman nila ako sa isang foundation/association
-since priority ng japan na tanggapin ang mga NIKKEI JIN o may dugong hapon
-so, ayon sa foundation kailangan namin iprove na kami ay may dugong/lahing hapon
-ang unang-unang pinapaayos sa amin nung foundation e yung mga birth certificate nung mga parents ko
-kinuha ng foundation ung mga names & details nung mga lolo ko na hapon
-since may passport & pictuers na iniwan ung lolo ko sa motherside at nairegister pa sya sa japan sya ang prinaioritize nung foundation
-so inuna ko ayusin ung birth cert nung nanay ko
-sa awa ni lord may nakuha ako sa LCR-MANILA na record, kaya lang may mga wrong entries
-kiochang omine ang name nung mother ko, ti omine name nung lolo ko, nagasaki ung birthpalce
-sa isang picture na iniwan nung lolo ko ay may mag-asawang hapon na nasa guam, kapatid nya ata, di ko alam kung sino dun
-may nakasulat sa likod na sulat-hapon except sa word na TOMIKO
-at ito ay tumugma sa nakuhang record sa japan nung foundation, ito daw ang name nung nanay ko
-so nagfile na kami nang change of name/correction of entries
-which was judged last dec. 29 2009 and became final and executory on april 21,2010
-NEXT STEP IS YUNG MARRIAGE CONTRACT NA NUNG PARENTS KO
-dito na PUMASOK ung problema, Atty.
-they were married on oct. 2 1968 sa simbahan sa q.c.
-nakakuha ako nang copy sa simbahan nung marriage cert nila, at nakita ko dun na-incomplete yung pinasa nila na requirements like birth & baptismal certs
-dinuktor din nila ung mga details lalo na ung sa tatay ko, bale kapatid na lalaki nung nanay nya ung nilagay nila as father nya kaya (BITENG)
-ung sa nanay ko naman, middle name ni lola ang ginamit nya na surname (BANGSOY) at ung kalive-in nya na pinoy ang nilagay as father (DEL ROSARIO)
-may nakuha din ako record nung marriage nila sa NSO
QUESTIONS:
1. declaration of nullity of marriage ba ang dapat naming gawin? kasi nga magfirst cousin sila.
2. kapag na approve ba ung petition for nullity, surname na nung mother ko ang gagamitin naming magkakapatid?
3. pwede bang pagsamahin sa iisang petition ung declaration of nullity of marriage (NUNG PARENTS KO) at change name/correction of entries (PARA SA BIRTH CERTIFICATES NAMING MAGKAKAPATID)?? dahil sigurado namang maVOVOID ung marriage nila di ba?
4. are we considered illegitimate? kahit pirmado lahat ung BC namin nung father ko?
pasyensia na po kung masyado mahaba.hoping for your attention sa mga queries ko. thanks in advance.