Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BUSINESS CLOSURE DUE TO FAILURE TO PAY MAYOR'S PERMIT ON TIME.

Go down  Message [Page 1 of 1]

vash2010


Arresto Menor

Gandang gabi sa lahat. Sana po ay mayroong makapag-bigay ng legal advice sa kin regarding sa problema namin sa business namin.

Ito po ang story:

Ang father ko po ay Lessor (nagpapaupa ng mga pwesto). Kami po ay kumuha ng Barangay Clearance, nagparehistro din po kami sa DTI, Kumuha din po kami ng Mayor's Permit at nagparehistro sa BIR noong 2002. Wala naman po kaming problema sa DTI at BIR.

Ito po ang problema. Simula po 2002 hanggang 2011 ay nagrerenew po kami ng Mayor's Permit. Dumating po ang January 2012 ay pumunta po ako sa City Hall para magpa-renew, mayroon po akong dalang new barangay clearance para po sa renewal, cedula at public liability insurance. Naipasa ko po ang mga requirements na ito para sa renewal ng aming mayor's permit at na-assess naman po iyong applciation ko for renewal.

Sa hindi po inaasahang pagkakataon ay nakaramdam po ng panlalabo ng mata ang mother namin at amin po siyang pina-check up. Ang sabi po ng Opthalmologists na nagcheck up sa kanya last July 2011 ay tumatakip na iyong katarata niya sa gitna ng mata at kailangan na itong operahan. Hindi po namin pinaoperahan yung mother namin last July 2011 dahil kami po ay gipit at hinihintay po namin na mag 1 year yung application ng isa kong kapatid sa Philhealth upang makabawas sa gastusin ng pagpapaopera ng mother ko. Magagamit na po namin sa darating na July iyong Philhealth ngkapatid ko kaya minabuti namin na huwag na po munang magbayad ng renewal para sa mayor's permit at ireserba na lang ang hawak naming pera para sa pagpapa-opera ng aming mother sa July 2012.

April 13, 2012 po ay nakareceive kami ng Notice of Delinquecy galing po sa BPLO ng City Hall at ang date po ng sulat ay March 2012.At ito po ang sinasabi sa sulat: xxx"your business establishment has been found to be delinquent in the payment of business tax for the period of 2012. As of date, your total tax due is 24,193.50, including regulatory fees, penalties and surcharges."xxx

xxx"kindly settle your obligations, otherwise, we will be constrained to close your business and file the appropriate charges against in order to satisfy the above-stated amount."xxx

Agad pong nagpunta ang mother ko kasama ang pamangkin ko sa sa opisina ng BPLO at may dala itong sulat na humihiling ng extension hanggang December 2012 dahil siya po ay nakatakdang magpa-opera sa July. Nakalagay din po sa sulat na hindi matatapos ang December 2012 ay babayaran namin ang buong halaga na ia-assess nila kasama na ang surcharges, penalties etc. Nireceive po ng secretary ng BPLO Chief ang sulat at ipinakita ng mother sa kanya na may plano naman po kaming mag-renew last January pero ipinagpaliban lang po namin ang pagbabayad dahil nga po sa uunahin po muna namin ang kapakanan ng mother ko.

Ang sabi po ng secretary ng chief ng BPLO ay tumawag na lang sa opisina nila para ito ay i-follow-up.

Nang tumawag ang mother ko sa opisina ng BPLO ay sinabi ng secretary na hindi pumapayag iyong Chief ng BPLO, nakiusap pa rin ang mother ko habang kausap niya iyong secretary ng Chief ng BPLO hanggang sa sinabi ng mother ko na bigyan kami ng 3 months upang makag-ipon pa ng kaunting pandagdag na pambayad sa kanila. Sinabi ito ng secretary sa Chief ng BPLO at ito naman daw ay pumayag na hanggang 3 months extension. On or before July 13, 2012 ay dapat na nakabayad na po kami.

Nagulat po kami kahapon, January 8, 2012 dahil nakatanggap na naman po kami ng sulat galing sa BPLO. Ang date po na nakasulat ay May 21, 2012. Ito po ang nilalaman ng sulat:

xxx"Despite lapse of the period given to you, you still failed to settle your obligation with this office."xxx

xxx"you are hereby given a non-extendible period of 3 days from receipt hereof to settle your obligations. Otherwise, we have no other recourse but to issue the corresponding CLOSURE ORDER on your establishment."

"This serves as a LAST and FINAL DEMAND."

ito po sanan ang mga gusto kong malaman:

1.) Tama po ba iyon na ipapasara ang business ng mga magulang ko na senior citizens na at iyon lang ang kanilang ikinabubuhay? Wala man lang pong due process, at wala naman po silang illegal activities.

2.) Payag naman po ang mother ko na babayaran lahat ng dapat nilang bayaran sa BPLO kasama na po lahat ng surcharges, penalties etc. Ngayon lang naman po sila hindi nakabayad pero may matinding dahilan naman po talaga. Ang totoo nga po ay naipa-assess na namin nung January 2012 iyong permit namin para sa renewal. Parang hindi naman po yata makatao na ipasara na lang bigla iyong business ng magulang ko na kanilang pinagkakakitaan.

3.) Pumayag naman po ang Chief ng BPLO na bigayn sila ng 3 months na extension para makabayad pero bakit po parang sobra silang mang-harass, wala pa pong July 13, 2012 pero naniningil na naman sila.

4.) Ano po ang pwedeng ikaso sa Chief ng Business Permits and Licensing Office dahil po sa ginagawa nilang pagbabantang ipapasara sang business ng magulang ko na nagayon po ay nagdudulot sa kanila ng matinding pag-aalala at hindi pagkatulog sa gabi?

5.) Ano po ang pwedeng ikaso sa Chief ng BPLO kapag alam niyang ang mga business sa isang lugar ay talagang walang mga permit sa loob ng maraming taon pero pinapabayaan niya lang samantalang hindi naman nakikinabang sa kanila ang gobyerno dahil hindi naman po sila nagbabayad ng Mayor's Permit. Hindi po niya kinkasuhan or ipinapasara ang mga business na ito kahit walang permit. Kaya po nalulugi na iyong mga tenants namin dahil sa ibang Lessors na wala naman pong permit.

May nilalabag po ba ang BPLO na batas sa ginagawa nilang pananakot sa mga magulang ko na kapag hindi nakapagbayad ay ipapasara nito ang kanilang negosyo? Samantalang nag-offer naman po ang mother ko sa kanila na magbabayad ng buo sa December kasama na ang lahat ng surcharges,penalties etc...

Dapat po ang ipasara nila ay iyong mga may business na hindi po rehistrado. May permit naman po kasi ang parents ko hindi lang po nakapag renew, at willing naman po silang magbayad ng surcharges, penalties.

Nakalagay nga po sa Mayor's Permit eh:

"Failure to renew this business permit whitin the prescribed period sball subject the taxpayer to a 25% surcharges and 2% per penalty month.xxx"

So ibig po sabihin kahit hindi magrenew agad okay lang po basta willing magbayad ng surcharges at penalties.

Napaka unfair naman po kasi na iyong mga walang permit hindi nila pinapakuha ng permit at hindi naman po nila ipinapasara at wala naman pong nakakasuhan, samantalang ang magulang ko nalate lang magrenew dahil sa isang valid reason at willing naman po silang magbayad ng surcharges at penalties eh babantaan na nilang ipapasara ang kabuhayan nila.

Apektado nga po ang business ng magulang ko kasi po iyong mga may paupahan na walang permit ay mabababa ang presyo ng paninda nila.

Sana po ay mayroong magpayo sa akin as soonest. Maraming salamat po in advance.



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum