May 2 uri ng last will and testament: (a) notarial will, at; (b) holographic will. Ang notarial will ang kailangan notaryado upang magkaroon ng bisa. Ang holographic will naman ay hindi kailangang notaryado upang magkaroon ng bisa.
Ayon sa batas:
“A holographic will is entirely written, dated and signed by the hand of the testator himself. It is subject to no other form and may be made in or out of the Philippines. It need not be witnessed.”
Sa madaling sabi, upang magkabisa ang last will and testament ng iyong ina ay kailangan lang na: (a) ito ay isinulat-kamay niya; (b) ito ay nilagyan niya ng petsa; at (c) ito ay pinirmahan niya. Kung lahat ng mga rekisitos na nabanggit ay umaayon sa last will and testament ng iyong ina, ito ay maituturing na holographic will at hindi ito kailangang notaryado.
Mapunta tayo sa problema mo. Medyo naguguluhan ako kwento mo. Nasabi mo na ang bahay at building ay pamana ng iyong ina sa iyo at sa iyong kapatid. Pero sinabi mo din na unang namatay ang iyong kapatid sa iyong ina. Kung unang namatay ang iyong kapatid sa iyong ina ay hindi na maituturing na tagapagmana ang kapatid mo dahil nauna siyang namatay. Ganunpaman ay may tinatawag na “right of representation” ang mga anak ng kapatid mo (pamangkin mo) at ito ang magbibigay sa kanila ng karapatan na magmana sa kanilang lola.
Ito ang aking mga tanong: (1) Anong instrumento / kasulatan ang ginamit upang mailipat sa iyo ang titulo ng lupa? (2) Anong instrumento / kasulatan ang ginamit upang maipangalan sa kapatid mo ang tax declaration ng building? (3) Kailan nailipat sa inyo ang titulo at tax dec?
Kung nailipat sa iyo ang titulo ng lupa noong buhay pa ang ina mo ay marahil nagsagawa kayo ng Deed of Sale o di kaya ay Deed of Donation. Kung ito nga ang nangyari ay hindi mo puwedeng sabihin na minana mo lang ang lupa dahil ang mana ay nangyayari kung patay na ang magbibigay ng mana.