Eto po yung scenario:
Nilipat po kasi kami ng company last year, kasi po isasara daw po yung isa, nung nilipat po kami pinagsign po kami ng termination pero sinabi po samin na lahat naman po magpapatuloy don sa bagong company. Ngayon po, humingi ako ng COE tapos yung inissue po sakin July 2011 daw po ako nahired, pero ang totoo po non May 2009 pa ko nagwowork para sa kanila.
Ang sabi po sakin ng HR ganon daw po talaga, wala na daw po yung 2 yrs na naserve ko, back to 0 daw po lahat since nung transfer, kung ganon po, dba po dapat may nakuha muna kaming years of service pay don? kasi po parang lumalabas, mag iisang taon pa lang ako sa company sa dadating na July 2012
Salamat po.