nagkaroon ng kabit si hubby last last contract nya sa barko,nalaman ko syempre di umamin, sabay sila bumaba last year at dito pa umuwi si hubby pero magulo na kami kasi khit anong deny nya alam ko n ang totoo, buong bakasyon nya dalas alis nya at gabi na umuuwi at nakikitulog na lang sya.bago sya bumalik sa barko sinabi nya di na sya babalik smin at susustentuhan nya n lang kami at nalaman ko magkasama sila uli sa barko.tinupad nya nman sinabi nya at nagpapdala nman sya last year. itong pagbaba nya ngaun, di na sya umuwi sa amin at nagsama na sila nong babae kasama pa nanay nya. pinapayagan ko mga anak ko na mag stay sa kanya. kaso itong pagbalik nya ng barko uli di na sya nakipag communicate sa akin at sa mga bata n lang!mga bata n lang pinapadalahan nya ng pera pang allowance pero ako hindi na. wala akong trabaho at un pinapadala nya eh pang allowance lang talaga ng mga bata.. pwede ba akong maghabol ng sustento para sa akin? saan ako pwede humabol? legal pa kasal nmin.. pero di ko alam gagawn ko kasi wala talaga akong pera.. ni pang bayad sa kuryente o pang gastos sa araw araw. buti pa katulong nila may pinapadala sya at sa aso namin eh may 1K syang allowance pero sa akin wala. ano gagawin ko?may karapatan ba akong maghabol pa although nag aabot nman allowance sa mga bata? never sya nkikipag usap sa akin.