Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Deed of Conditional Sale

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Deed of Conditional Sale Empty Deed of Conditional Sale Tue Mar 02, 2010 1:30 pm

carplay


Arresto Menor

the following terms and conditions are stated in this deed of conditional sale;

1.that the agreed consideration for te afore described lots in Php xxx,xxx.xx

2. that upon execution of this contract a downpayment of Php xx,xxx.xx

3. that the remaining balance shall be paid to the vendor within the period of 5 yrs.

4. that is case of non-payment in three (3) consecutive months this contract is considered rescinded and the vendor shall not refund any of the payments made by the vendee..


Question?

1. fully paid na po ito with complete receipts with signature from vendor..one year after the stated term # 3..so bale six years na...

2. sa term #4 naman nkita ko po na meron din ilang months more than 3 months hindi ako nka bayad..

after na fully paid ko na ni-request ko na absolute deed of sale pati Home lot title na from the vendor pero hindi nya ito maibigay...kasi nabenta na rin nya ito sa another vendee..may habol (legally) pa rin ba ako sa vendor na refund na lng nya yong total payments ko sa homelot? bka po kasi gawin rin nyang pang-contra itong Deed of Conditional Sale na may mga terms and conditions akong hindi nasunod...baka QUITS lng po lahat na binayad ko...may legal case pa rin ba akong ma file laban sa vendor?
need you legal advise on this..

thank you..

2Deed of Conditional Sale Empty Re: Deed of Conditional Sale Mon Mar 08, 2010 1:38 pm

attybutterbean


moderator

1. Let us first determine if you have the right to recover or own the property even if the seller had sold it to another buyer. In “double sale of real property”, the law says that the ownership shall pertain to the person acquiring it who, IN GOOD FAITH, FIRST RECORDED IT IN THE REGISTRY OF PROPERTY. Sa madaling sabi, kung sinuman sa inyo ang mauunang magparehistro ng inyong Deed of Sale sa Register of Deeds IN GOOD FAITH ay siyang may karapatan na magmay-ari ng nasabing lupa.

If there is no inscription (registration), the ownership shall pertain to the first in possession. Kung wala sa inyong nakapagparehistro ng inyong karapatan sa lupa, kung sinuman ang titira o ookupa sa lupa IN GOOD FAITH ang siyang may karapatan na magmay-ari nito.

If both of you are not in possession of the property, ownership shall pertain to the person who presents the oldest title IN GOOD FAITH. Kung parehas kayong hindi nakapagparehistro sa Register of Deeds at parehas kayong hindi nakatira o umookupa ng lupa, ang mananaig ay kung sinuman ang naunang napagbentahan ng lupa IN GOOD FAITH.

Kung iyong mapapansin, laging may kaakibat na “good faith” upang mabigyan ng karapatang magmay-ari ang isang buyer sa “double sale”. Samakatuwid, kung alam ni 2nd buyer na ang lupa ay naibenta na ni seller sa ibang tao at itinuloy pa din ni 2nd buyer ang pagbili, hindi na siya maituturing na “in good faith”.

2. Kung gusto mo namang ibalik na lang sa iyo ang iyong ibinayad ay maaari din naman. Dahil nga ibinenta na ng seller sa ibang buyer ang lupa ay mayroon ka ding karapatan na habulin ang lahat ng mga naibayad mo.

3. Sabihin na nating may mga nagawa kang paglabag sa kontrata, ako ay naniniwala na hindi ito puwedeng gamitin sa iyo ng seller dahil ikaw ay hinayaan niyang magbayad ng tuluy-tuloy hanggang makumpleto mo ang kabuuang halaga ng lupa. Sa madaling sabi, ang patuloy niyang pagtanggap ng bayad kahit na lumabag ka sa kasunduan ay maaaring maituring na pagpapatawad niya ng mga paglabag na nagawa mo.

4. Hindi din ako naniniwala na may karapatan ang seller na singilin ka ng interes sa mga pagkakataon na hindi ka nakakabayad sa takdang panahon dahil ayon sa batas, ang interes ay maaari lamang ipataw kung may nakasaad ito sa kontrata. Dahil walang nakasaad sa kasunduan ay hindi siya maaaring magpataw ng interes.

5. Ang maipapayo ko sa iyo ay irehistro mo na sa Register of Deeds ang Deed of Sale. Hindi lang Deed of Absolute Sale ang maaaring mairehistro sa RD. Ang Deed of Conditional Sale ay maaari ding mairehistro sa RD. Ang Contract to Sell ay maaari ding mairehistro sa RD. Makatapos nito ay magpadala ka na ng demand letter sa seller pati na buyer na nakabili din ng lupa. Kung hindi pagbibigyan ang iyong mga hiling ay maaari ka ng magsampa ng kaso sa korte.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum