College student na po ako at simula elementary ay ang nanay ko lang ang nagpapakain at nagpapaaral sa amin. Kahit na may trabaho ang tatay ko wala siyang binibigay para sa pangangailangan naming apat na magkakapatid. Ang kinikita nya ay binubuhos nya lahat sa kabit at anak nya sa labas.
(Tanong #1: Meron po ba kaming maikakaso para dito tulad ng child support kahit na hindi naman sila hiwalay na legal?)
Nuon pa alam na namin nay may kabit ang tatay ko at may anak nga sila ngayon pero umuuwi pa rin siya sa bahay kaya hindi ko masabi na hiwalay sila ng nanay ko. Pero umuuwi lang ang tatay ko sa gabi tapos aalis na rin sa umagang umaga. Pinagtataka ko kung bakit pa sya umuuwi kung may ibang bahay naman siya kasama ng pamilya niya sa labas. Ang hinuha namin ay may habol siya sa bahay namin dahil pumayag po sya ng hiwalayan pero hindi pumapayag na ilipat ang pangalan ng bahay sa aming magkakapatid. Hati po sila ng nanay ko ng pagbayad sa bahay nuon pero mas malaki ang share ng nanay ko dahil mas mataas ang sweldo at hindi pa natapos bayaran ng tatay ko ang share nya nuon kaya binayaran din eto ng nanay ko pati ang interest dahil matagal na pala na hindi nagbabayad ang tatay ko at muntik na maremata ang bahay namin.
(Tanong #2: Paano po ba ang gagawin para kung sakaling maghiwalay ang magulang namin ay hindi makikinabang ng husto ang tatay namin sa bahay namin dahil sa tinatawag na conjugal property?)
(Tanong #3: Anu ano po ba ang makakatulong kung sakaling magfile ng divorce ang nanay ko?)
Ngayong gabi nabugbog po ako ng tatay ko gawa nang prinotektahan ko ang nanay ko dahil sinabi nyang sasaktan eto at naninira pa sya ng mga gamit at sinabi nya rin na papatayin nya ako.
Wala na po akong tanong baka lang po maaaring makatulong ang impormasyon kung sakaling mag. Sana po ay matulungan nyo kami. Maraming Salamat.